Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Masaya Ka Na Ba?
Koponan ni Batute
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ngayon, pagmasdan mo ako, lagi na lamang nag-iisa
Buhat ng 'yong iwanan, 'di na makita ang pag-asa
Kaya't ano pa'ng saysay para manatili sa mundo?
Makakaya ko ba 'to ngayong wala ka na sa piling ko?
Ano ba'ng naging kasalanan? Saan ba ako nagkulang?
Nagawa mong ipagpalit at kalimutan nang gano'n na lamang
Sadya bang kay lupit at ang init, biglang humupa?
Pag-ibig na inialay, kapalit pala ay luha
Ayoko na sana ngunit patuloy pa rin na minumulto ng mga alaala
Bakit kailangan mangyari ito?
'Di ko ginustong lumagay sa gan'tong sitwasyon
Ngunit ikaw na ring pumutol sa ating relasyon
Ngayon, masaya ka na ba na nasaktan mo 'ko nang lubusan?
Ngayon, masaya ka na ba na ako'y iyong nagantihan?
Basta't kung sa'n ka masaya, masaya na rin ako
At pakatandaan, laging may naghihintay sa 'yo
Masaya ka na ba ngayong kapiling mo s'ya?
Masaya ka na ba ngayong ako'y nag-iisa?
Ako'y nangungulila at sa 'yo'y nananabik
Laging naaalala, yakap mo't mga halik
Ako'y sa 'yo at ikaw ay akin, 'yan ang sumpaan
Sumpaan na akala natin walang hangganan
Pero bakit ngayon, nawala na lang parang bula
Ang pag-iibigan na dati'y kay saya?
Sa'n ba ako nagkulang? Sa'n ba 'ko nagkamali?
Kailan pa kaya ako muling mapapangiti?
Kahit sa panaginip lang, gusto kitang matanaw
Wala nang sumagi sa isip ko kundi tanging ikaw
At ikaw na nagbigay sa 'king damdaming sawi
Pilitin ko mang itago, mahirap magkunwari
Ako ba ang sanhi kung bakit ka nagkagan'yan?
Please, sabihin mo naman kung ano ang dahilan
S'ya ba ang dahilan kaya't ako'y iyong iniwan?
S'ya ba ang dahilan kaya't ako'y 'di na kailangan?
At sana sa pagbalik mo ay matagpuan mo pa
Kapag ako'y wala na, hinahanap na kita
Masaya ka na ba ngayong kapiling mo s'ya?
Masaya ka na ba ngayong ako'y nag-iisa?
Ako'y nangungulila at sa 'yo'y nananabik
Laging naaalala, yakap mo't mga halik
Ah, kung ang nakaraa'y maibabalik
Hindi na sana ako sa iyo nananabik
Iyong mga halik at yakap sana ang nadarama
Ikaw pa rin sana ang kapiling ko sa tuwina
Gayon ba talaga kapag wala na?
Doon mo malalaman ang tunay na halaga
Ano ba ang mayro'n ka? Bakit sa 'yo, ako'y hibang?
Hibang sa pag-ibig mo, laging nanghihinayang
Hanggang sa pagtulog, 'di ka mawaglit sa 'king isipan
Kahit ang sinasambit ay ibang pangalan
'Di ba't mas gusto mo s'ya kaya hinayaan na kita?
Mga 'di mo nakita sa 'kin, sana'y taglay n'ya
Ngayon, masaya ka na ba na nasaktan mo 'ko nang lubusan?
Ngayon, masaya ka na ba na ako'y pagtaksilan?
Basta't kung sa'n ka masaya, masaya na rin ako
At pakatandaan, laging may naghihintay sa 'yo (hey)
Masaya ka na ba ngayong kapiling mo s'ya?
Masaya ka na ba ngayong ako'y nag-iisa?
Ako'y nangungulila at sa 'yo'y nananabik
Laging naaalala, yakap mo't mga halik
Masaya ka na ba ngayong kapiling mo s'ya?
Masaya ka na ba ngayong ako'y nag-iisa?
Ako'y nangungulila at sa 'yo'y nananabik
Laging naaalala, yakap mo't mga halik
Masaya ka na ba ngayong kapiling mo s'ya?
Masaya ka na ba ngayong ako'y nag-iisa?
Ako'y nangungulila at sa 'yo'y nananabik
Laging naaalala, yakap mo't mga halik