Skip to content

Tanging Ina

Ai-Ai delas Alas
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Hindi ko maintindihan kung ba't sila ganyan Minsan kami ang nakikita't pinag-uusapan Kasalanan ko bang umibig at iwanan Magkaroon ng anak na tanging aming yaman Lahat na yata ng hirap ay ginawa ko Naging tindera na ako ng pirated sa kanto Naging construction worker para lang mabuhay kayo Gay impersonator ang naging trabaho ko Kay hirap talagang maging isang ina Mahaba dapat ang 'yong pasensya Pero kahit andyan ang problema Para sa anak, lahat ay kayang-kaya Dahil ako ang... Tanging ina n'yo Na nagpapalit ng diapers no'ng bata pa kayo Tanging ina n'yo Ang nag-aalaga, namamalantsa ng mga damit n'yo Nagpapaligo habang nagluluto ako Nagpapakain, nag-aalaga sa inyo Kinabukasan n'yo ang laging iniisip ko Ang mapag-aral kayo hanggang sa kolehiyo Magtinda man ako ng gulay, isda at sago Chicaron at balot ay gagawin ko At kahit na marami sa 'ting umaalipusta Sabihin man nilang lahat ang gusto nila Dito sa puso ko'y pantay-pantay ang nadarama Bilang mga anak dahil ako ang inyong ina Kay hirap talaga kapag nag-iisa Responsibilidad mo'y 'di basta-basta Kuryente, tubig, bayad sa kasera Kung may sobra, may baon sa eskwela Dahil ako ang... Tanging ina n'yo Ang tumatayo bilang nanay at tatay n'yo Tanging ina n'yo Na nagpapatawa kapag nalulungkot kayo Nasasaktan 'pag 'di naibigay ang gusto n'yong mga kailangan Tanging ina n'yo Na handang magtanggol 'pag inaapi kayo Tanging ina n'yo Na ibibigay kahit buhay ko sa inyo Ano man ang mangyari, nandirito ako hanggang huli Tanging ina n'yo Tanging ina n'yo Tanging ina n'yo ako Tanging ina n'yo