Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Alingawngaw
Blind Stereo Moon
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Naririnig mo ba ang aking awit
Kasabay ng mga tala't kuliglig?
Kasabay din ng kuwerdas ng dahong nalalaglag
Umaalembong sa ambon
Naririnig mo ba ako sa 'yong isip
Sa ginta ng halo-halong ingay sa iyong paligid?
Naroroon ako't namamalagi
Sa likod at liblib na bahagi ng alaala mo
Huwag kang mag-alala
'Di kita minumulto
Sa 'kin lang naman
Nais ko lang malaman kung buhay pa
Buhay pa ba sa alaala mo
Naririnig mo ba ako sa 'yong isip
Sa ginta ng halo-halong ingay sa iyong paligid?
Naroroon ako't namamalagi
Sa likod at liblib na bahagi ng alaala mo