Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Walang Maiiwan
KOLATERAL
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Kaming mga naiwan
Sa simula't sapul hindi na patas ang laban
Pasan ang kahirapan
Sa baba ng tatsulok nakatakip sa aming liwanag
Mga mahal naming kumayod
Tinuring ninyong makasalanan
Hindi pa ba sapat aming balat?
Kinakagat ng sistemang pilit nag papahirap
Mga magulang na dapat retirado na
Mga apong kukupkupin, saan ba pupunta?
Kulang ang kikitain, kulang pang
Kanin, ulam, asin, paminta
Kahit hindi gusto
Tumigil na mag-aral ang mga batang ito
Wala nang pang-tustos, kinuktya pang "adik 'to"
Nag luluksa na nga sa buhay na dehado, sa pasismo
Kahit ganun pa man, tuloy pa rin ang laban
Iikot ang mundo kahit sa madugong daan
Ang araw ay sisikat sa gitna ng kadiliman
Hustisya'y darating basta hindi ito sukuan
Nakatayo kami't nanawagan
Buong komunindad nanawagan
Pagka't kung tanikala lang
Ang mawawala, oras nang lumaban
'Wag maliitin ang tapang ng maralita (oras nang lumaban)
Pabagsakin ang halang na hari ng sistema
Paigtingin ang paglaban sa kasakiman (oras nang lumaban)
Walang maiiwan, walang kolateral
Pagsapit ng takipsilim, maraming sumisilip
Sa gitna ng dilim may liwanag nakabukas ang mga bisig
Mga inang nawalan ng anak, lumilibot para magmasid
At mapigilan ang pag danak ng dugo
Maiwasan na may karagdagang inang
Magbuburol ng kanilang anak
Kabataang umiiyak
Nagkapit-kamay para may mabigay
Sa iilang pamilyang nasalanta ng giyerang walang saysay (walang saysay)
Hindi man sapat, maitatawid pa rin
Kahit na maliit, may iaambag pa rin
'Pagkat itong pasismo ang malaking salarin
Kahit ganun pa man, tuloy pa rin ang laban
Iikot ang mundo kahit sa madugong daan
Ang araw ay sisikat sa gitna ng kadiliman
Hustisya'y darating basta hindi ito sukuan
Nakatayo kami't nanawagan
Buong komunindad nanawagan
Pagka't kung tanikala lang
Ang mawawala, oras nang lumaban
'Wag maliitin ang tapang ng maralita (oras nang lumaban)
Pabagsakin ang halang na hari ng sistema
Paigtingin ang paglaban sa kasakiman (oras nang lumaban)
Walang maiiwan, walang kolateral
'Wag maliitin ang tapang ng maralita (oras nang lumaban)
Pabagsakin ang halang na hari ng sistema
Paigtingin ang paglaban sa kasakiman (oras nang lumaban)
Walang maiiwan, walang kolateral
Sa panahong ito
Hindi maasahan 'yung dapat nag lilingkod sa 'yo
Sila pa nga 'tong nanunutok ng baril sa ating mga ulo
Ang buhay natin para sa kanila, isang negosyo
Mantsa ng dugo, malamang, atin ito
Komunidad ang inatake
Komunidad ang reresponde
Kung sa kanila ay numero lang tayo
Numero din natin ang lansetang gagamitn
Para makawala sa tanikalang nagpapahirap
Ang sakit ng isa, ay sakit ng lahat
Ang ramdam ng isa, ay ramdam ng lahat
Kaya sulong (sulong)
Tulong-tulong sa ating pagbangon
Damay-damay, damayan
Ang mga kapatid nating naiwan
Kanto por kanto, ulo por ulo, ang laban na ito
Bilang isang komunidad, tara na't oras nang tumayo
'Wag maliitin ang tapang ng maralita
Pabagsakin ang halang na hari ng sistema
Paigtingin ang paglaban sa kasakiman
Walang maiiwan, walang kolateral