Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Sikreto
Maude
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Paano na? 'Di ba'ng sabi mo, itigil na 'to?
Bahala na, nandito na ulit tayo
Hindi pa rin ako sanay, naiilang ka din, alam ko
Pero bakit kahit walang plano, umaandar tayo?
Ooh-whoa, ooh
Itago mo ang ating sikreto
Sa oras mo at espasyo ko
Walang pipigil kung walang may alam
Tayo lang
Wala, wala, wala, wala, walang dapat makaalam, makatunog
Na tayo'y nagbuo ng isang payapang paraiso
Na kahit pa ikalat ang lahat ng ating baho
Kahit gaano kalala para sa atin, paraiso pa rin
Solo natin ang mayamang isla na 'to
At pwede kang magkamali, ako lang ang kasama mo
Paano na? Ala una na, aalis ka na
Umisip na tayo ng dahilan, tatakas tayo bukas ulit
Ooh-whoa, ooh
Itago mo ang ating sikreto
Sa oras mo at espasyo ko
Walang pipigil kung walang may alam
Tayo lamang
Pwede kang magkamali, ako lang ang kasama mo
Sa ating paraiso, polusyon lang ang opinyon nila
Polusyon lang ang opinyon nila
Ooh-whoa, ooh
Itago mo ang ating sikreto
Sa oras mo at espasyo ko
Walang pipigil kung walang may alam
Walang pipigil kung walang may alam
Walang pipigil kung walang may alam
Tayo lang
'Di ba'ng sabi mo, itigil? Narinig ko na 'yan
Narinig ko na 'yan