Skip to content

medley: halina / halina / pasko kasi / kami po's paskuhan / damdaming pasko / pasko'y laganap / simula ng pasko

apo hiking society,celeste legaspi,leo valdez,dulce,janet basco,marco sison,ivy violan,verni gonzales,noel trinidad,subas herrero
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

O, mga kasama halina, halina Mag-alay ng panalangin At dalawin halina, halina Ang sanggol ng Inang Birhen Maghanda-handa sa pagdiriwang ating gagawin At sikapin ding mapagmahal ang damdamin natin At lahat tayo ay dapat magdasal nang mataimtim Nang tayo'y pagpalain O, mga kasama halina, halina Mag-alay ng panalangin Sa Belen tayo ay magsidalaw At mag-alay ng ating pag-galang Iya'y tungkulin habang buhay Ng bawat taong isinilang Dinggin ninyo ang buong bayan Pamasko ang awitan Laganap ang kasayahan May galak ang daigdigan Dukha man ang ating buhay Tayo'y dapat magdiwang Tayo ay magpasalamat sa taglay nating buhay Sa araw ng Pasko iwaglit ang lumbay Tayo ay magsayang walang humpay Ihanda ang lahat ng may sigla at liksi Darating ang araw ng Pasko kasi Buksan niyo ang bintana At kami ay pakinggan Ang awit naming Pamasko Sa inyo'y iniaalay Kami po ay nanggaling Sa malayong bayan Nagsadya rito sa inyo Upang kayo ay awitan Kami'y bumabati ng maligayang Pasko At masaganang bagong taon Kami po ay nanggaling Sa malayong bayan Nagsadya rito sa inyo Upang kayo ay awitan Ang kagandahang loob Ay naghahari sa sino man Pagbibigayan ang siyang namamasdan Dito at kahit saan man Sa t'wing araw ng Pasko Nagdiriwang ang kahit sino 'Pag masagana'y buong siglang Nag-aalay sa pusong may lumbay Ang damdaming ganyan sana Ay laging taglay ng bawat isa Upang ang buhay natin ay Lumaging ligtas sa pagdurusa Ang damdaming ganyan sana Ay laging taglay ng bawat isa Nang mabuhay tayong walang pangamba At maligaya Maligaya sana ang maging Pasko natin Mag-aalay ng papuri sa pananalangin Sa lahat ng tao, sa lahat ng dako Pagdiriwang natatangi ang araw ng Pasko Kapag nasa simbahan tayo'y magdasal At kung nasa tahanan tayo'y magdiwang Iyan ang kaugaliang na ating nagisnan Laging alalahanin ngayon at kailanman Nauna ang tatlong haring mago Nagbigay ng mga regalo Simula nang ito ng kagandahang loob Ng mga taong naging Kristyano Habang tayo'y nabubuhay Ang Pasko ay laging ipagdiwang At itangi ang pagsilang Ni Hesus na ating minamahal Habang tayo'y nabubuhay Ang Pasko ay ating ipagdiwang At itangi ang pagsilang Ni Hesus na ating minamahal O, mga kasama halina, halina Mag-alay ng panalangin At dalawin halina, halina Ang sanggol ng Inang Birhen...