Skip to content

Pag Nagising Ako

Gloc-9; Jillian Ita-as
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Ako'y nananginip kagabi Sana ay maulit pang muli Tanda ko lahat 'di mamamali Kung gusto mong malaman 'to Ikukwento ko sayo Paggising ko Wala na daw mahirap lahat tayo mayaman At sa kapangyarihan ay wala na daw gahaman Kung may nagsusumukap Nagagantimpalaan Kapag mata'y dumilat Laging may kagandahang Matatanaw Wala nang uhaw Nakukuntento Kasi pare-pareho lamang tayo ng porsyento Pantay-pantay ang hatian kasi nakasentro Puro salamat at walang inggit na kinukwento Gumagaling lahat ng sakit walang malubha Tuyuin pag ipinikit matang paluha Walang mga palad ang sa langit ay nakakura Ano nga bang ibig sabihin ng salitang dukha Puro tawa lang ang madidinig mo sa mga bata May kasiyahan, kasaganahan, walang kawawa Ang lahat ng galit ay napapalitan ng awa Pagmamahal na bayad ang laging sukli sa kapwa Ako'y nanaginip kagabi Sana ay maulit pang muli Tanda ko lahat 'di mamamali Kung gusto mong malaman 'to Ikukwento ko sayo Ikukwento ko sa sayo Paggising ko Wala nang mura kasi lahat ay nagmamahal Para sa mabuti lang ang pinagdarasal Hindi naiisip kung meron mang nagtatagal Sa buhay 'di mo na kailangann pa na sumugal O hanapin ang kapalaran mo sa malayo Kasaganahay makita mo hindi nakatago Kinabukasan ay malinaw hindi malabo Mahal sa buhay na abot-kamay Maipangakong Masamahang lumaki ang iyong mga anak Alalayan sila sa kanilang bawat yapak Makilala ka sa isipan nila'y tumatak Ang maihele sila sa tuwing umiiyak 'Di kailangan mahati pa sa tama o mali 'Di na rin ugat Ng kasamaan ang salapi Walang digmaan ang lahat ay magkakabati Pinapahalagahan lagi ang bawat sandali Dahil alam mo na ang bukas ay nakapako Hawakan ng mabuti kapag sayo dumapo Lakasan mo ang loob panabla pati pato Lumakad man sa baga ay hindi ka mapapaso Sana lahat ng pangit ay kabaligtaran At ang kasamaan ay may katapusan Hilumin mong nagdurugo na sugat ko Nang mailmulat at mabuksan ko ang aking mga mata Ako'y nanaginip kagabi Sana ay maulit pang muli Tanda ko lahat 'di mamamali Kung gusto mong malaman 'to Ikulwento ko sayo Ikukwento ko sayo Paggising ko