Marinig Mo Pa Kaya
Erl The Bird
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Paano ba kita malilimutan?
Nakikita ko pa rin sa iba ang 'yong larawan
Masaya ka na ba sa kanya ngayon?
Kasalukuyan niya na ang aking kahapon
Wala na ang dating pagkasabik,
Tamis na hindi na mababalik,
Wala rin namang kwenta
Kung sinungaling ka,
Sinungaling ka!
Sumasagi pa ba
Ang nakaraan
Sa'yong isipan?
Paano ko kaya matatabunan,
Butas sa dibdib na 'yong iniwan?
Siguro ay ako pa rin
Ang katabi sa paghimbing
Kung sinubukan nating
Subukan na ayusin
Sana'y hindi nasayang
Ala-ala na naiwan
Tanong ko sa sarili
"Dapat bang manghinayang?"
Wala na ang dating pagkasabik,
Tamis na hindi na mababalik,
Kung pwedeng yakapin
Kahit sinungaling ka,
Sinungaling ka!
Sumasagi pa ba
Ang nakaraan
Sa'yong isipan?
Paano ko kaya matatabunan,
Butas sa dibdib na 'yong iniwan?
Paano kung hindi ko na makita
Ang sagot sa mga tulang naisulat?
Marinig mo pa kaya
Ng hindi sinasadya?
May magbabago ba?
Tang ina, Wala!
Maririnig mo pa kaya
Maririnig mo pa kaya
Maririnig mo pa kaya
Maririnig mo pa kaya
Sumasagi pa ba
Ang nakaraan
Sa'yong isipan?
Paano ko kaya matatabunan,
Butas sa dibdib na 'yong iniwan?
Paano kung hindi ko na makita (Maririnig mo pa kaya)
Ang sagot sa mga tulang naisulat? (Maririnig mo pa kaya)
Marinig mo pa kaya (Maririnig mo pa kaya)
Ng hindi sinasadya?
May magbabago ba? (Maririnig mo pa kaya)
Tang ina, Wala!