Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Magaan
Sean Lacuna
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Sinunog mo na ba
Ang letrang aking iginuhit sa 'yo at sa iyo lang? (Hmm)
Nagmarka ba ang
Guhit sa sulit na panahong tayo lang dalawa ang nakakaalam?
Nagniningas at sariwa
Ang pagmamahalang nagwakas na tila kahapon lang
Umiiwas, nanghihina
Dahil may tinatagong bakas ng kahapon na
Lihim na liham sa lalim ng aking damdaming
Ubos na ang tinta, tinta, tinta
Mga daliring dali-daling nangalay sa pilit na pagsulat sa 'yo
Namulat na 'di na ako ang nagpapasaya (whoa)
(Magaan ang pakiramdam)
Bakit ka pa susulatan at paglalaanan ng oras?
Kung sana sa akin na lamang
Kung 'di ko na rin naman ramdam
Ang halaga ko sa 'yo (oOh)
Magaan, pagaan
Gagaan din ang pakiramdam
Kita sa mga kiliti, kahit isang ngiti
Hindi mo magawang isingit pa
Pagaan, gagawan ng paraan para limutin ang nakaraan
At kalimutan kang tuluyan sa mga lihim na liham
Pagaan, daraan din ang dagok na pinagdaraanan
At magmamaliw sa karagatan
Umaalon (umaalon-aalon), umaalon pabalik ang panahon na ibinaon
Ibinaon sa buhangin ng dalampasigang sang-ayon
Na ayon sa dakong damdaming lumaon
Padaong, padaong na tayo, 'di na kailangan pa ng
Lihim na liham sa lalim ng aking damdaming
Ubos na ang tinta, tinta, tinta
Mga daliring dali-daling nangalay sa pilit na pagsulat sa 'yo
Namulat na 'di na ako ang nagpapasaya (whoa)
Hmm, hmm
Lihim na liham, aking damdamin, whoa