Skip to content

Iba't Ibang Bangka

Gloc-9
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Iisang bagyo Iba't ibang bangka Iisang bagyo Iba't ibang bangka Iisang bagyo Pero iba't ibang bangka Sadya bang ganto Walang magagawa Pahupain ang hangin At patilain ang ulan Sa iisang bagyo Pero iba't ibang bangka Hampasin man ng mataas na alon ay di matinag (di matinag) Kumapal man ang ulan laging may malakas na sinag (malakas na sinag) Hinahawi ang daan ang lambat ay puno ng bihag (bihag) Mga huli na markado ng sugat na humihilab (ah) De makina hindi sagwan andar ay mabilis Mga pagkaing tinatapon kahit na hindi panis May bubong may silid kaya walang umaalis Taga luto taga ligpit at meron ding taga walis Madalang ang mumurahin mamahalin ang labanan Ilan lang ang may pambili bakit nagkakaubusan Lahat sunod lang ng sunod kasi maraming utusan Ako na po ang mag dadala bilin yan ni kapitan Habang ang ilan ay sagana't marami ang wala Pudpod na telang may apoy gasera para mangapa May kumot kapag maginaw Ang iba nama'y basa Dito sa iisang bagyo Pero iba't ibang bangka (bangka) Pahupain ang langit At patilain ang ulan Sa iisang bagyo Pero iba't ibang bangka Limasin ang tubig na pumapasok sa butas (butas) Di mo puwedeng inumin maaari lamang pang hugas ng (hugas) Lumot at kalawang malamang tuyo na bukas (bukas) Ganyan sana kasiguradong hinahanap na lunas (lunas) Bakit di pantay ang aming katig sa kalumaan na rin (ey) Mga sumasakay na kumapit na rin sa patalim (ey) Kapag malayo ka sa laot maalon at madilim Ang 'yong mga sigaw ay parang ibinulong na daing Na sinasalo ng hangin na tila naliligaw Ang layag na puno ng pag asat hindi bumibitaw Sa isinaing mong pangarap na tila nahihilaw Parang taga ka ng taga kahit itak mo ay bingaw Habang ang ilan ay saganat marami ang wala Pudpod na telang may apoy gasera para mangapa May kumot kapag maginaw Ang iba namay basa Dito sa iisang bagyo Pero iba't ibang bangka Iisang bagyo Pero iba't ibang bangka Sadya bang ganto Walang magagawa Pahupain ang hangin At patilain ang ulan Sa iisang bagyo Pero iba't ibang bangka Ng iisang bagyo Pero iba't ibang bangka