Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Bati Na Tayo
Trisha Denise Campaner
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Bakit gano'n? Ano nga ba'ng nangyari?
Kanina lang nag-aasaran pa kunwari
Bakit ngayon ayaw na nating magkita?
Nakasimangot na't 'di magkasama
Sino nga ba ang may kasalanan?
Bakit bigla na lang tayong nagsigawan?
Bakit bigla na lang nagtuturuan?
Bakit nauwi na lang tayo sa tampuhan?
Huminga nang malalim, ayoko nang nagagalit
'Wag tayong padalos-dalos lang
Oh, aking mahal, wala namang masama kung nagkatampuhan
'Wag nating hayaang matapos ang araw na 'di tayo nag-uusap
Oh, aking mahal, wala namang masama kung 'di nagkaintindihan
Basta't gusto ko na malaman mo, okay na ako
Bati na tayo, hindi na 'ko galit
Bati na tayo, bati na tayo (ooh)
Bati na tayo, bati na tayo (ooh)
Bati na tayo, bati na tayo (ooh)
Bati na tayo, bati na tayo
Hindi nga ba ito puwedeng maiwasan?
Mga bagay nating pinagtatalunan?
Bakit hindi na lang natin tanggapin
Na talagang may pagkakaiba tayong dalawa?