Skip to content

Kung Ikaw Lang Ako

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Kung akin lang ang kayamanang Ngayon ay nasa sa 'yo Masusunod lahat ang bawat hangarin ko Bawat isang naghahangad Ng ligayang tulong mo Ay bibigyan kung ikaw lang ako Biyayang nakamit 'yan ay tanging para sayo Dulot ng Maykapal dapat ay pagyamanin mo Mga kapus-palad sa hirap ay hanguin mo Masusunod kung ikaw lang ako Kung ikaw lang ako Mga munting pangarap ay magkakatotoo Huwag mong ipagkait pag-asang nasa 'yo Tapunan ng pansin dukhang katulad ko Kung sana'y pabalik Ang pagtakbo ng orasan Kahapong nagdaan Kung sana'y darating pa lang Marahil ay malalaman mong Ang buhay ay ganyan Magbigay ka't ikaw ay bibigyan Kung ikaw lang ako 'di ko matitiis Na may maghirap sa mundo Buksan ang palad mo pag-asa'y nasa 'yo 'Ya'y aking gagawin kung ikaw lang ako Kung ikaw lang ako Mga munting pangarap ay magkakatotoo Huwag mong ipagkait pag-asang nasa 'yo Tapunan ng pansin dukhang katulad ko Kung ikaw lang ako hindi ko papayagang May maghirap sa mundo Buksan ang palad mo sila'y tulungan mo 'Ya'y aking gagawin kung ikaw lang ako