Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Nandito Lang Ako
Stick Figgas
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Noon palang sinusubaybayan na kita
Sa katabing bahay ka lang namin nakatira
Ikaw lamang mag isa kaya ikaw pinuntahan
Sinubukan makipag kaibigan hindi ko napigilan ang sarili ko
Na ikaw ay titigan kaso ako'y pinaalis sapagkat parating ang lalaking
Araw-araw ka kung dalawin kaya nag dali dalian pumasok sa amin
Hanggang sa nakakarinig ako ng mga kalabog ang pinto kung isara padabog
Kaya hindi ko maiwasan puntahan ka katukin upang ikaw ay tanungin kung
Ano nga bang nangyayari humarap ka sa akin nag dudugo ang labi
Ako'y nagulat di ko akalain araw araw nya pala itong gawain pero
Kung wala kang makakasama ahh basta nandito lang ako
Kinausap ka (makinig ka sana)
Niyakap ka at ang sabi ko sayo nandito lang ako ohh
Pinuntahan kita ulit upang ika'y kamustahin ngunit ang iyong lagay ganun pa rin
So walang alam gawin kundi ika'y sibakin pagkatapos ng lahat ika'y paiiyakin
Pagkat iyong panyo aba'y basa na naman tinignan ko iyong mukha my pasa na naman
Walang hiyang lalaki yan bat bakla ba yan bakit ang isang katulad mo ang sinasaktan
Alam mo pag pinagpatuloy pa nya to talaga makakaaway nya ako
Kahit pa nakabato sya wala akong paki basta lalabanan ko sya
Ika'y niyayang kumain sa labas para mapaligaya kita makalimot naman
Kahit na sandali di ko akalain mapapangiti ka ganun kadali
Ayos na sana ang lahat nang tayo'y naglalakad
Nang bigla na lamang tumambad sa iyong mata kitang kita mo sya
Na may kasama syang iba at nag yaya kang umuwi
Ayaw mo ng pumunta dun ulit teka sandali
Bago ka pumasok sa inyo may sasabihin lang ako Importante lang ito pero
Kung wala kang makasama ahh basta nandito lang ako
Kinausap ka (makinig ka sana)
Niyakap ka at ang sabi ko sayo nandito lang ako ohh
Handa na sana akong aminin ang lihim na matagal ko nang nais sabihin
Na mahal kita dating dati pa kaso nga lang ang pintuan nyo nakasara
Kinakatok kita di mo ko pinag buksan di bali na lang baka meron kang pinuntahan
Kinagabihan sa amin may kumatok di ko na nabuksan sa sobrang antok
At kinabukasan aking nabalitaan na pinaghahanap ka daw ng mga alagad ng batas
Agad nila akong tinanong ako daw ang huling nakitang kasama mo sa labas
Pilit itinangging hindi ko nga alam buong mag hapon ko nga syang hinahanap kung nasaan
Ano nga ba talagang nangyari sa kanya (ayon sa report nakapatay daw sya)
Hanggang sa natunton kung saan ka naroon natagpuan duguan
Nakahiga sa kutson at my nakitang liham na para daw sa akin
Labis kong ikinagulat nung aking basahin ikaw pala yung kumatok sa amin nung gabi
Para ipagtapat napatay mo sya kasi di mo nakayanan ang pananakit nya
Lalo na nung nagawa ka nyang ipagpalit nya
Pag katapos sabihin ang lahat nag pasalamat ka't may ipinagtapat
Matagal mo na pala akong sinusubaybayan
At mahal mo rin pala ako bakit ngayon mo lang sinabi yan kung kailan wala ka na
Sa tingin mo ba paano pa ako magiging masaya kung nakinig ka lang di ba sabi ko sayo
Kinausap ka (makinig ka sana)
Niyakap ka at ang sabi ko sayo nandito lang ako oh
Nandito lang ako ohh nandito lang ako oh
Ang sabi ko sayo nandito lang ako