Skip to content

Bituin Marikit

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Bituing marikit sa gabi ng buhay Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay Yaring aking palad iyong patnubayan At kahit na sinag, ako'y bahaginan Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig Napinakasasamba sa loob ng dibdib Sa iyong luningning, laging nasasabik Ikaw ang pangarap, Bituing marikit Lapitan mo ako, halina Bituin! At ating pag-isahin ang mga damdamin Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin Sa batis na iyong wagas na paggiliw