Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Agimat
Valley of Chrome
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Para bang 'di mo kaya ang hirap ng buhay?
Pagod na at tila hindi makasabay
Ngunit ilan sa atin ay may angking lakas
Na sa oras ng pagsubok, ito'y lumalabas
Ito'y para sa inyo
Para sa matatapang
At ayaw magpatalo
Lahat ng ating sugat
Ay gumagaling
Dahil may agimat na angkin
Binuhusan ang sugat
Ng asido't asin
Kahit na sinasakal
Humihinga pa rin
Di nila kaya
Ang binabangga nila
Ito na ang simula
Ang takot napawi na
Walang bagyong di natin lalampasan
Magkasama tayo at walang mag-iiwanan
Bawat isa sa atin na handang mamatay
Para sa prinsipyo na ating taglay
Di nila kaya ang puwersang ating dala
Dahil may angking agimat, ang bawat isa
Ating isapuso- Agimat!
Ating isabuhay- Agimat!
At gawing sandata (Agimat!)
May agimat tayong lahat!
Ating isapuso- Agimat!
Ating isabuhay- Agimat!
At gawing sandata (Agimat!)
May agimat tayong lahat!
Bawat hakbang mabigat
Sa bubog tumawid
Ikaw ba'y pinahamak
Ng iyong kapatid?
Mula sa putik babangon,
At liliyab muli...
Ang ngiti sa mukha ng demonyo
Ay mapapawi!
Ito'y para sa inyo
Para sa matatapang
At ayaw magpatalo
Lahat ng ating sugat
Ay gumagaling
Dahil may agimat na angkin
Walang bagyong di natin lalampasan
Magkasama tayo at walang mag-iiwanan
Bawat isa sa atin na handang mamatay
Para sa prinsipyo na ating taglay
Di nila kaya ang puwersang ating dala
Dahil may angking agimat, ang bawat isa
Ating isapuso- Agimat!
Ating isabuhay- Agimat!
At gawing sandata (Agimat!)
May agimat tayong lahat!
Ating isapuso- Agimat!
Ating isabuhay- Agimat!
At gawing sandata (Agimat!)
May agimat tayong lahat!