Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Hawak
KOLATERAL feat. Tao
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Hawak ang iyong kamay sa paglapag
Sa mundong hindi tanggap ang ating pagsasama
Maraming salita sa harap, sa kanan at kaliwa
Ngunit hindi matitinag (mga puso natin handa)
Sigaw nilang lahat (mga bata pa kayo)
Dami niyong kailangang malaman
Musmos pa lang kami (ganito na ang buhay)
Ito na ang katotohanan
Pinili mong kumayod upang suportahan
Ang aking pag-aaral, ang ating hinaharap
Hindi tayo takot (kahit na mahirap pa)
Mundo ay iikot
Walang alinlangan (basta't makasama ka)
Kahit na gutom (basta't makasama ka)
(Basta't makasama ka)
Hawak ang iyong kamay pauwi mula sa araw na kay haba
Kahit na mahirap ang buhay basta't makasama ka
Sa dilim, may nagmamasid, dinig ang baril na kinakasa
Sa pagputok ay ninakaw ka nila
At pagpikit ng iyong mata
Hindi kita maiwan
Hindi kita maiwan
Hawak ang iyong bangkay sa pagpatak ng mga luha
'Di ko pa rin tanggap na wala ka na
Anong magagawa
Giliw, ako'y takot ('pagkat mahirap ang)
Mundo ay iikot
Nang wala ka na (bakit ba kinuha ka?)
Dami kong tanong (bakit ba kinuha ka?)
Bakit ba kinuha ka sa akin?
Hawak ang mumunting kita mula sa araw na kay haba
Lunod na lunod na sa hirap, may pag-asa pa kaya?
Sa dilim, may nagmamasid, dinig ang baril na kinakasa
Sa pagputok, ang sakit ay dama
Sa pagpikit ng aking mata
Ang buhay ba namin barya
Para sa katulad nila?
Walang laman tiyan
Pero katawan namin punung-puno ng tingga
Karahasan ba ang sagot?
Karapatan ba ay limot?
Anong dahilan?
Anong dahilan ba nito?
Sa huli, magkatabi silang ililibing
Wagas na pag-iibigan kinitil
Sa pagsara ng kabaong nila
Ang hustiya ba'y bulag?
Nalulunod sa dugo
Ang hustiya ba'y bulag?
Nalulunod sa dugo
Ang hustiya ba'y bulag?
Nalulunod sa dugo
Ang hustiya ba'y bulag?