Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Oras
Jason Marvin
Popularity · Moderate
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Sa ating isang taon
Natupad lahat ng pinangarap ko
Ang isang buwan, biglang naglalaho
Kapag kasama ka, oh, ang bilis ng panahon
At kung maaari lang pumunta sa nakaraan
Iiwasan ko na ikaw ay masaktan
Araw-araw, pinagsisisihan ko
Na hinayaan lamang na magkagan'to
Kung alam ko lang ito na ang ating hangganan
Susulitin ko ang bawat oras na kasama ka
Isang minuto, tayo ay nagbago
No'ng inamin ko na nagkamali ako
Habang-buhay ang ating 'pinangako
Ang walang-hanggan, bigla na lamang huminto
At kung papayagan lang sumulyap sa hinaharap
Hahayaan bang ang puso ko'y umasa pa?
Araw-araw, pinagsisisihan ko
Na hinayaan lamang na magkagan 'to
Kung alam ko lang ito na ang ating hangganan
Susulitin ko ang bawat oras na kasama ka
At kung mayro'n lang akong isang segundong kasama mo
Ibubulong sa 'yong hindi tumigil ang pag-ibig ko
Araw-araw, pinagsisisihan ko
Na sinayang ang isang katulad mo
Kung alam ko lang ganito ating hantungan
Pipigilan ko'ng takbo ng oras nang makasama ka