Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Parisukat
Stick Figgas
Popularity · Moderate
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot ito'y nalibot na dahil meron lamang apat na kanto itong
Mundong hugis parisukat
'Di mo ko kinikibo tapik na ko nang tapik
Nagpadala ng puso umaasang may bumalik
Sanay na nga ba yung sugat sa patak ng kalamansi
Nung naiputan niya sariwa pa rin sa 'kin yung hapdi
Subukan ko kayang mangyurak ng damdamin
Wala rin kunsensya ko naman yung uupak sa akin
Wala ng takas sa masamang lasa ng nicotine
Napa-praning na rin sa tuwing may babagsak na pigurin
Basag na yung katahimikan sa mundo kong nasa plato
Detalyado kong ginuhit ang sagrado na kwadrado
Kusang 'di ko na kailangan ng matataas na grado
May mga mata ng kuwago sa sulok ng bawat kanto
Marunong magpatawad pero 'di nakakalimot
Saksi ang guhit sa palad kung pano mo pinaikot
Sa mundo kong ito 'di mo na ko mabibilog
Tiyak lulutang 'yung basurang itinapon mo sa ilog
Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat
Mga makabagong aparato at teknolohiyang moderno
Kailangan kong magka ganon ayokong mahuli sa kwento
Dala dalawa na ang telepono 'di pa rin kuntento
Puro lamang sarili trato at pasikat sa komento
Alam mo bang alam nila ang buong pangalan mo kumpleto
Araw ng kapanganakan trabaho mo pati s'weldo
Kasi trenta porsyentong rason kaya 'to inimbento
Para madali lang tayong matiktikan ng gobyerno
Kalayaan sa dayuhan ay pilit na pinaglaban
Para lamang maging alipin ng kahirapan
Parang salamangkerong pinapili ang nanonood
Kanan man o kaliwang kamay siya pa rin ang siyang nasusunod
Madalas tayong nauutakan ng ating napupusuan
Ngunit sa bawat pagbagsak ay may kapupulutan na mga aral
Na dapat maaga mong natututunan
Tulad ng 'di ka malaya malawak lang ang kulungan
Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot ito'y nalibot na dahil meron lamang apat na kanto itong
Mundong hugis parisukat
Wala na akong ibang mahihiling pa
Sa sulok ng mundong ito
Kapiling kita o sinta
Bakit ba sa t'wing pinapalaya mo
Labas pasok pa rin ako sa bilangguang nakasanayan ko whoah
Gustong kumawala ng kamalayan 'di sanay na palaging gala
Maghapong kayod nang kayod para lang may gatang mapiga
Lansangang maraming daga basa maingay na talipapa
Kulang ata ang tamang salita upang maitama ang mga maling nagawa
Sa sinasabi ng iba 'wag ka masyadong magbabalewala
Marami ng buhay ang nababalewala napariwara
Kamatayan lang ang makakapagkalas ng mga tanikala
Makakatakas ka lamang sa parisukat
Kapag nakahiga ka na sa parihaba
Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot ito'y nalibot na dahil meron lamang apat na kanto itong
Mundong hugis parisukat