Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Hiwaga
Jamir Garcia
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Nanginginig ang laman
Tila 'di na maintindihan
Binalot mo ako sa hiwaga
Nanginginig ang laman
Tila 'di na maintindihan
Binalot mo ako sa hiwaga
Unti-unting dumidilim, ang hangin ay tumatalim
Nalilito't nagtataka, paparating na ang lagim
Nasa'n na ang umaga? Naglalakbay, walang kasama
Papalayo na, nauuhaw na, ramdam ko nang walang pag-asa
Tinalikuran ko na ang mundo ng pasakit
Pinagsiksikan mo pa, laging nakakapit
Mga demonyong naglalaro, nakapaligid sa 'kin
Sumisigaw, nag-aabang, bigla kang hahatakin
Kababalaghan, nagtatago patungo sa dilim
'Di makaakbay, nasusugat sa tusok ng dilim
'Di makaatras, naubos na ang pawis at lakas
Tinakwil ng langit, impiyerno'y lumapit
Nanginginig ang laman
Tila 'di na maintindihan
Binalot mo ako sa hiwaga
Nanginginig ang laman
Tila 'di na maintindihan
Binalot mo ako sa hiwaga
Sa bawat aking paghinga, tinatapon ko ang kaba
Nagtataka, nalilinlang sa aking mundo na nag-iba
Wala na sa sarili, tulala na, walang masabi
'Di makampante, atras-abante, nanunuyo na ang mga labi
Nakalimutan ko na kung ano ang hangarin
Tinakwil ang lahat at 'di makaamin
Mga kinalaban, lahat tinapakan, 'di pinagsisihan
Mga kasalanang hindi mabayaran hanggang sa kamatayan
Kababalaghan, nagtatago patungo sa dilim
'Di makaakbay, nasusugat sa tusok ng dilim
'Di makaatras, naubos na ang pawis at lakas
Tinakwil ng langit, impiyerno'y lumapit
Nanginginig ang laman
Tila 'di na maintindihan
Binalot mo ako sa hiwaga
Nanginginig ang laman
Tila 'di na maintindihan
Binalot mo ako sa hiwaga
Nagising ba ako? (Nagising ba ako?)
Ba't hindi makadilat? (Makadilat)
Lumubog sa abo
Tumungtong sa bundok ng bungo
Wala na ba akong babalikan?
Nanginginig ang laman
Tila 'di na maintindihan
Binalot mo ako sa hiwaga
Nanginginig ang laman
Tila 'di na maintindihan
Binalot mo ako sa hiwaga
Sa hiwaga
Sa hiwaga