Skip to content

Kanino Ba Dapat

Repablikan
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Naranasan mo na ba Ang umibig sa tao na 'di pala para sa 'yo Pagkatapos mo nang mahalin Ibigay ang lahat sa bandang huli ay ganito Paalam sa 'yo salamat sa pagmamahal mo na sa 'kin ipinadama Naramdaman n'ya na mahal na mahal mo s'ya Pero bakit mas pinili n'ya pa ang iba Ang mga mata na papikit habang Binabalikan ang mga nagdaan Hindi na malaman anong dahilan Palaging itinatanong mo kung saan Nga ba nagkamali at bakit nasawi Ang pagmamahal bakit dito nauwi Ang pag-ibig na ibinigay bakit mo nilagay Sa kalungkutan at pighati Ito bang sukli pagluhang 'di maikubli Kapalit ng aking katapatan At tila parusa aking pagdurusa Ano ang mali at ako'y nilapitan Marahil ay 'di na ikaw ang para sa akin At ako'y 'di para sa'yo Kung nalaman ko ang dapat mahalin 'Di sana ganito ang natamo Kung hindi ako ang nararapat sa 'yo Bakit hinayaan pang mahulog ang puso sa 'yo Oh wala akong nagawa minahal kita kaagad Ang puso kong ito kanino ba dapat Ginagawa ko naman ang lahat para lamang sa 'yo Pero bakit mo nagawang saktan ang puso ko Naatim mo akong iwanan ng nag-iisa Ano ba ag pagkukulang bakit sumama sa iba Pinaniwala mo ako sa iyong mga pangako Pinaikot mo ako sa palad mo at binigo Nagdurugo ang puso ko pangalan mo ang sinisigaw Hindi ko lubos maisip kung bakit ka sa 'kin bumitaw Halos gabi-gabi na lang nagpupuyat sa kakaisip Kapag nakakatulog ikaw rin ang panaginip Hanggang kailan kaya ako magiging ganito Hanggang kailan magtatanong kung bakit ako'y iiwan mo Kung hindi ako ang nararapat sa 'yo Bakit hinayaan pang mahulog ang puso sa 'yo Oh wala akong nagawa minahal kita kaagad Ang puso kong ito kanino ba dapat Gulong-gulo na ang isip ko ng ikaw ay lumayo Ginawa ko naman lahat ngunit ako sa 'yo ay nabigo Kanino ba dapat ang pag-ibig na aking inalay Minahal kita pero bakit sa iba binigay Pinilit kong balik-balikan ang lahat ng ating alaala Pero 'di ko magawa na ang sarili'y lumigaya Pa'no kaya ang gagawin ngayon ika'y wala na Puro pasakit na lang ba ang tangi kong madarama Mahal kita minahal mo s'ya ano ba ang dapat na gawin Para bang ang mundo ko'y huminto at naubusan na ng hangin Ngunit 'wag kang mag-alala nandito lang para sa 'yo Handang-handa ko nang punasan ang bawat luha mo Ganito ba talaga pag-ibig sa una sadya talagang kay saya (minahal kita wala ng iba) Ang lahat ng ligaya ay nadarama pagkapiling at kayakap ka (ikaw ang laman ng puso ko at wala ng iba) At para bang ang bawat oras ay sadyang mabilis (oh walang iba) At ang mawalay ka sa akin ay 'di ko matiis Mga ninais mo sa 'ting dalawa'y parang bulang nawala (lagi kang sa panaginip ko) Ang mahalin ka ng tapat ibigay ang lahat pero parang tanga nadapa (ikaw lang laman ng isip ko) Ang mga paa ko pagod na sa kasusunod makita ka lang na masaya (oh bakit ikaw ay biglang nawala) Dahil mahal mo ako at minahal din kita mangako ay 'di ko madama (at umaasa ikaw na nga) Umasa ako sa mga matamis at nakakakilig mong salita (pag ibig ko pala sayo) Kahit marami akong mga naririnig sa 'yong 'di maganda sa 'yong balita (ang puso kong ito) Binaliwala ko mga salita nilagdaan sabi mo mahal mo ako (bakit hinayaan pang) Pero naniwala ako sa mga sabi mo kahit parang hindi totoo (malayo sa iyo) Kung hindi ako ang nararapat sa 'yo Bakit hinayaan pang mahulog ang puso sa 'yo Oh wala akong nagawa minahal kita kaagad Ang puso kong ito kanino ba dapat Kung hindi ako ang nararapat sa 'yo Bakit hinayaan pang mahulog ang puso sa 'yo Oh wala akong nagawa minahal kita kaagad Ang puso kong ito kanino ba dapat