Skip to content

Hinga Muna

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Naririnig ko ang tibok ng iyong puso Halika muna't sumayaw, ang ngayon ay regalo Habang hawak ang iyong kamay, ako ay nangangako Pag-ibig na umaapaw ay hindi maglalaho Hinga muna nang malalim Bawat sandali ay namnamin Kalimutan mo muna ang iyong nakaraan Kalimutan mo muna ang iyong hinaharap Ang isipin mo muna na ang mahalaga Tayo ay magkasama Wag kang mangamba sa mga pagbabago Dating mundo ay gumuho, para palitan ng bago Kung dati ay nangangapa, ngayon ay sigurado Pagsubok man ay dumating, hindi tayo susuko Hinga muna nang malalim Bawat sandali ay namnamin Kalimutan mo muna ang iyong nakaraan Kalimutan mo muna ang iyong hinaharap Ang isipin mo muna na ang mahalaga Tayo ay magkasama Ang ngayon ay mahiwaga Wag mag-alala Ang ngayon ay biyaya Pasanin ay mawawala Isuko na ang pangamba Bitawan ang problema Sa Diyos nagtitiwala Kalimutan mo muna ang iyong nakaraan Kalimutan mo muna ang iyong hinaharap Kalimutan mo muna ang di mo nagawa Kalimutan mo muna ang mga pangamba