Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Ang Panginoon Ang Aking Pastol
Noel Cabangon
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos
Handog Niyang himlaya'y sariwang pastulan
Ang pahingaan ko'y payapang batisan
Hatid sa kaluluwa ay kaginhawaan
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay
Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos
Madilim na lambak man ang tatahakin ko
Wala akong sindak, Siya'y kasama ko
Ang hawak Niyang tungkod ang siyang gabay ko
Tangan Niyang pamalo, sigla't tanggulan ko
Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos
Inihahanda Niya sa akin ang 'sang dulang
Piging sa harapan ng aking kaaway
Kasiyahan Niyang ulo ko'y langisan
Saro ko'y punuin hanggang sa umapaw
Ang Panginoon (Panginoon ko) ang aking Pastol (ang aking Pastol)
Pinagiginhawa akong lubos (ang ginhawa kong lubos)
Kagandahang loob, pawang kabutihan
Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay
Doon sa tahanan ng Poong Maykapal
Nais kong manahan magpakailanman
Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos