Skip to content

Wala ng Bago

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Nagpapausok lang sa kwarto chillero sa ginagawa Para sa'kin wala naman din don na masama Tila piring mga mata kapa sa pagdapa Kita ko bawat lakad alanging walang babala Maingat ang init hindi sinat laki 'Di nasinag nabihag nasilaw lang sa salapi 'Wag aasta na halimaw sa galawan na madume Hindi basta at malinaw dapat marunong tumange Tabi pwede ka sa amen tumabi Basta maingat ka sa pinagsasabi Di ko ipagkakaakit hmm tadhana minsan mapait Manhid na rin dama sinasambit Damahin sakit daming sinungkit Dati din said hmm Tila normal na lang kapag singkit Andaming layaw 'lang kaagaw Di basta basta dikit di pilit Kaya tunay sa kalapit Daming sabik na nadadagit wala ng bago May maglalaho't sasalangit wala ng bago May papagamit magagamit wala ng bago Wala ng bago Taas baba pabalik-balik wala ng bago Tamis pait ang masasapit wala ng bago Sagip sarili sa panganib wala ng bago (wala na bago) Kulong sila sa nakaraan lulong ang kabataan Sa kung saan-saan pag-asa nitong bayan Hindi mo na ramdam hindi mo na alam Kung sino dapat na sundan Kung sino ba ang mga tunay sino ba mag-iiba ang kulay Wala nakong pake kung ano tunay 'to nagsisindi nag-gulay Sumisibak sumisibat sa umay sipa't gusto na marating na buhay Pinahusay Mailap di na para mailang Di nakipag-argumento sa wala namang alam Naglibang hindi hibang nagiyang di natakam Nagtaka sa mga tao ba't hilig makipagtalo Walang bago uhaw singaw silip ang baho Sige pitik magkano halaga mo sa merkado Bebenta kaluluwa depende sa pabuka Depende anong mukha papakita sa madla Daming sabik na nadadagit wala ng bago May maglalaho't sasalangit wala ng bago May papagamit magagamit wala ng bago Wala ng bago Taas baba pabalik balik wala ng bago Tamis pait ang masasapit wala ng bago Sagip sarili sa panganib wala ng bago (wala na bago)