Skip to content

Puso At Diskarte

Astro
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

This is a Cursebox production Whoa whoa Whoa whoa 'Wag na 'wag magbibitaw Luto dapat 'di hilaw ang iyong hinahain Kung ikaw may gusto na isigaw Sa mikropono mo dapat lahat 'yan ipakain Samahan mo ng puso at tsaka diskarte 'Wag ka maging tuso parehas ka palagi Dapat lang kampante sa mga sinasabi Gamitan ng puso at diskarte Hindi na hihinto mas lalo pang mag-aapoy ha Rookie of the year purong diskarte 'to boy Mas pinili kong pumera 'di manggera Abot mo 'yan kaya ang tibay ng depensa May ginto sa kalye utak negosyante Para sipagan lang ang hukay lahat aabante Basta mag-ingat ka sa gedli mayro'ng pain Madami d'yan nahulog at nakain Gumalang namuhunan sumagad Unti-unting nabubuo 'yan daw plano ni God Naniwala nagbabad d'yan sa proseso Natutong maghintay pero may kilos 'di pumayag magpapreso Lalo 'tong tumibay nung sinamahan ng puso Kita ko lahat alam ko sino d'yan ang tuso Pero gano'n pa man sunggab pa din mapagbigay Kung sinong down na tropa ko aking isasakay 'Wag na 'wag magbibitaw Luto dapat 'di hilaw ang iyong hinahain Kung ikaw may gusto na isigaw Sa mikropono mo dapat lahat 'yan ipakain Samahan mo ng puso at tsaka diskarte 'Wag ka maging tuso parehas ka palagi Dapat lang kampante sa mga sinasabi Gamitan ng puso at diskarte Ang usapan dito ay diskarte Samahan mo ng puso para swabe Pumarehas nang walang ino-onse 'Pag may labis may kasama pang responde Dito sa kalye dapat matalas ka Laging may bala lalo 'pag maangas ka Makisama kung ayaw magkabangas ka 'Wag mong hanapin ang swerte mamalasin ka Anuman ang gawin dapat mahalin Pag-isipan nang mabuti bago harapin Maniwala ka na kaya mong gawin 'Wag mong tigilan siguradong may mararating Galingan mo hanggang sa may mapala Mga hindi naniwala ay matutuwa Kapag nadapa ay 'wag na 'wag madadala May bukas palagi upang ating magawa Ginagawang posible ang imposible Sa gubat 'di pwede ang aso dapat mala-tigre Umaga at gabi hinahagilap na ang grasya Hanggang ang musika ay makilala na sa Asya Freestyler na hindi maka-produce ng beat 'Di makabili ang porma ay palaging repeat Alam kong darating ang araw relax na sa seat Habang naririnig ang hit song namin sa street At sa kalye na masukal kumakalakal Kung gustong tumagal dapat matuto at maaral Pakikisama ang kailangan na walang sukbit na bakal Kitang-kita ang anyo kahit takpan pa ng balabal Anihan sa lahat ng lupain na pinagpala Aminado na may sala at kayo ay nagambala Salamat sa suporta at inyong mga tiwala At ako'y kasama sa inyong tinitingalang tala 'Wag na 'wag magbibitaw Luto dapat 'di hilaw ang iyong hinahain Kung ikaw may gusto na isigaw Sa mikropono mo dapat lahat 'yan ipakain Samahan mo ng puso at tsaka diskarte 'Wag ka maging tuso parehas ka palagi Dapat lang kampante sa mga sinasabi Gamitan ng puso at diskarte (Joaquin Bordado) Kumakaripas sa skyway switchin' foe lanes Top down screamin' out money ain't a thing Focus lang sa game hustle Lunes hanggang Biyernes Puno lagi ng pera parang bathtub ni Napoles We are not the same I'm a hustla' Ginto ang bawat letra 'di pwede subasta Pasukin na natin ang Bangko Sentral Para mukha ko nasa piso at hindi na si Rizal Kay Honcho ang Ferrari ang trip ko Maserati Sa susunod na paglapag sa hood ay naka-helli Sanay na 'ko dumiskarteng mag-isa May suporta lang 'pag nagtagumpay ka na Kaya baguhin mo istilo mo 'di na uso pang-apocalypto 'Di na sa anito sumasamba sa crypto Ang tagumpay tinrabaho ko 'to Pausukin ang damo 'pagkat mayaman na tayo brrah Kapit-patalim para ikaw ay palarin At laganap ang krimen para mayro'n lang pangkain Dito sa ating bansa na buwaya lang kakain May butas na ang batas 'pag pera paiiralin Pero 'di 'to nanahimik kukunin ko para sa'kin Aangat aking bandila kaya lagi niyong hilain Sulat ko parang reseta 'di lahat kayang basahin Bawat berso ko gamot para sarili ko buhayin Gamit sariling wika sa mga rapper na bano 'Wag mong sabihing makabayan kung nagpapaka-kano Gagamitin ang watawat sa kasikatan ay lango Kakasinghot mo sa linya kaya ka lang naging pango Pinoy Gangsta Rap is back kahit hindi niyo tanggapin Ang nakaukit sa kasaysayan ay ibabalik ko din Sumigaw ng himagsikan bago pa ako patayin 'Wag hintaying asul-pula ay akin nang baliktarin easy Diskarte lang ang panglaban Puso nami'y ilalaan Woah wasakin ang entablado Woah gamit ang mikropono Kultura naming kinagisnan Hirap ng buhay nilampasan Woah wasakin ang entablado Woah gamit ang mikropono 'Wag na 'wag magbibitaw Luto dapat 'di hilaw ang iyong hinahain Kung ikaw may gusto na isigaw Sa mikropono mo dapat lahat 'yan ipakain Samahan mo ng puso at tsaka diskarte 'Wag ka maging tuso parehas ka palagi Dapat lang kampante sa mga sinasabi Gamitan ng puso at diskarte