Skip to content

PTNL

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Nakakatakot, Paminsan nakakakilabot Pag iniisip ang Pinagdaanan kahapon Mas buti nalang na mag tago At Gustong maglaho Sa mundong nakaka pagod Walang oras na Nakakapagpahinga Hinahanap ang sarili, nawawala Mabuti nalang Ay kaya ko pang Labanan ang mga bumubulong Dinadawit ang sarili sa kapahamakan at Hanggang sa mawalan ng Tiwala sa sarili kong kakayahan Hanggang kailan pa ba na Makikipag labanan para sa sarili kong kaisipan at 'Wag kang panghihinaan ng loob, 'Wag mong bitawan Tiwala lang sa sarili Kahit tinatawanan Kasi 'yan ay Pampatibay ng loob (Pagsubok lang) Marami ring nanonood (May iilan) Palagi lang subukan Maraming matututunan (Kasi 'yan ay) Takot Na magpapanatili Ng buhay na pinipili at Nagpapatunay na May kaakibat na kulay Ang bawat eksena sa pera't babae Pero musika ang bumuhay uhh Gagamayin lang hanggang humusay Kasi 'yan ay Pakiramdam na para bang Ni-isa 'la pang kumain Ng aking hinain Pero bukas asahan parin na magsasaing Aangkinin kung ano para sa'kin Iindahin ang bigat ng bulsa Gigibain ang bawat balakid Kakalasin ko ang tanikala Pagod na magtago Pagod na isipin na gustong maglaho Mga pinaplano Abusado na sa pagkapako Nasasakdal ang akusado Nakataya na pati pato Kaso Tinalo ko na yung dating ako Ito na yung bagong Apoy na tinitingala ko Kahit malayo o Kahit na delikado Kita ko ng klaro Sa mga ginawa ko Napuno ko yung baso Lamon na lamon na yung takot Na nakabalot sa kataga ko Pampatibay ng loob (Pagsubok lang) Marami ring nanonood (May iilan) Palagi lang subukan Maraming matututunan (Kasi 'yan ay) Pampatibay ng loob Mananatili parin kahit Maraming manood uh Sinunod ng malugod Ang hangarin Na mapasakin 'yan, Oh sige isipin mo Daming natutunan Aking sinubukan Kahit na mahirap Hindi ko sinukuan Maraming kang aral na makuha kalaunan Talagang mahihirapan ka Kasi nga yaan lamang ay Pampatibay ng loob (Pagsubok lang) Marami ring nanonood (May iilan) Palagi lang subukan Maraming matututunan (Kasi 'yan ay pagsubok lang)