Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Lahat
Alyssa
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Gabi-gabing humihiling
Sa pagdating ng mga bituin
Na 'king makapiling
Ang himbing sa iyong tabi
Tatakbuhin
Kung kailangan man nating lakbayin
Mga araw ng pag-iisa't lamig
Makauwi lang muli sa iyong bisig
Ikaw ang init sa magdamag na ginaw
Ang minsang ligaw sa dagat ng bughaw
Ang malambing na yakap ng dilim
At ang liwanag sa 'king takipsilim
Ikaw, ikaw, ikaw ang lahat
Damang-dama
Ang payapang dala ng 'yong pagsama
Ang ginhawa ng pusong 'di nag-iisa
Kahit minsan noon ay nagsara
Ikaw ang hila sa bawat tulak nila
Ang pangangambang ayaw kong mawala
Ikaw ang hantungan ko sa aking bawat galaw
At bahagi ng aking balang araw
Ikaw, ikaw, ikaw ang lahat
Sumobra man ang kulang
Sa iyo pa rin ilalaan ang bawat puwang
Dahil mahal, ikaw, ikaw ang lahat
Mahal, ikaw ang lahat