Skip to content

Lakas Tama

Song, Mike Kosa
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Ayan na, ako ay nalulula Hindi ko mapigilan, sa kaniya ako'y lubos na humahanga Sa suot niya, ikaw ay magdududa Ngunit sa kaniya, ang lakas ng aking tama Naku po, 'pag siya ay naglalakad Kunwari ay lalakad din ako, ooh Oh, mapagbirong tadhana, ang puso ko'y pinana Ang pag-ibig ko'y patungo na sa 'yo Oh girl, hindi ko mapigil ang damdamin ko Masdan mo, ako'y mukhang sabog na sa kaiisip ko sa iyo araw-araw Gusto ko ang porma mo, ang damit, pantalon, at sapatos mo Ako ay nakaabang sa 'yo, at minsan sa daan, talagang hindi kita makalimutan Nang mahulog ang sumbrero mo at dali-dali na pinulot ko At sabay inabot sa 'yo, at doon aksidenteng ang kamay ko ang iyong nahawakan Ako ay natigilan nang ako'y bigla mo nang tinitigan (yari!) Stumble ako sa iyong kagandahan Oh, siya ay magandang babae na lalake pumorma Siya ay magandang babae na lalake pumorma Siya ay magandang babae (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang ganda-ganda mo (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang lakas ng tama (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang ganda-ganda mo (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang lakas ng tama Kinakabahan sa tuwing dadaan ka sa aking harapan 'Di ko alam ang tunay na dahilan kung bakit ba nararamdaman Balisa na, 'di pa mapakali, salita nang salita sa tabi Babaeng gustong makatabi na palagi ko sa inyong pinagmamalaki Samakatuwid, aking pantasiya, gustong-gusto ko nga siya Can you imagine that na maging hip-hop 'tong si Basya? Okay nga siya, cool, sa puso ako'y sapul Pigilan niyo 'ko, please, malapit na 'kong maulol Diskumpiyado man sa datingan, sa unang tingin mo pag-iisipan Kung may sikreto nga bang tinatago, 'yon ang gusto kong malaman Ayoko na sanang pagdudahan pa, natatangi niyang kagandahan Ngunit sa kaniyang pormahan, ako ay nag-alinlangan Ang pula ng kaniyang labi, ang tangos pa ng ilong Laging jersey ang suot, naka-three-fourth pang maong Flawless ang kaniyang kutis at hubog ng katawan At 'pag siya ay dumaan (dumaan), napakaastig niyang tignan Oh, siya ay magandang babae na lalake pumorma Siya ay magandang babae na lalake pumorma Siya ay magandang babae (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang ganda-ganda mo (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang lakas ng tama (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang ganda-ganda mo (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang lakas ng tama Gusto ko ang lahat sa 'yo, gusto ko na ako ay nasa piling mo Gusto ko na ikaw ay isayaw sa hangin, tanging babae na aking yayakapin Mga mata mo na tala sa akin na gumagambala sa aking damdamin Panginoon, hindi ko 'to kakayanin, gusto ko na siya ang aking makapiling Sa gabi, ako'y nagdarasal na balang araw, siya sa akin ay ikakasal Maglalakad, hawak ang kamay sa altar, kahit ang porma mo ay hindi pangkasal (uh) Sana ay pumayag, pagbigyan lang ang aking hiling Tanging dalangin ko na ako ay mapansin at mahalin Basta gusto kita, babaeng napili kong ligawan Hahamakin ko ang lahat basta masunod ka lamang Babaguhin ko ang lahat, masamang gawain ay iiwanan Gagawin ko lahat-lahat, basta mapasagot ka lamang Alam kong ganiyan ka na, hindi na kita mapipigilan Ni hindi nga kita matalo-talo sa inuman 'Pag uminom ka ay sagad, inaabot ng alas-kuwatro Naku, lasing na tayo, yari na naman ako sa kuwarto Oh, siya ay magandang babae na lalake pumorma Siya ay magandang babae na lalake pumorma Siya ay magandang babae (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang ganda-ganda mo (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang lakas ng tama (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang ganda-ganda mo (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang lakas ng tama Oh, siya ay magandang babae na lalake pumorma Siya ay magandang babae na lalake pumorma Siya ay magandang babae (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang ganda-ganda mo (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang lakas ng tama (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang ganda-ganda mo (Ooh) ang ganda-ganda mo, (ooh) ang lakas ng tama (Ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh) Whoa, napakagrabe (Ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh) Whoa, napakagrabe (Ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh) Oh-whoa, napakagrabe (Ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh) Oh, napakagrabe talaga