Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Walang Aminan
huhsmile
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Walang aminan
Bawal 'yan sa larong sinimulan natin
Walang bibigay, walang mahuhulog
Walang matatapilok
'Pag may nagtanong, aba, aywan ko
Basta sagot ko, "Wala 'kong gusto sa 'yo"
Pero walang aminan, paninindigan
Gusto kita, pero walang aminan
Walang aminan, 'di ba ikaw nagpasimuno?
Oh, bakit kung tumitig, ganyan?
Magpaparamdam, mang-iiwan sa ere
Kinabukasan ay gano'n na naman
Isa pang "I love you as a friend", babatukan na kita
Pero palaban ako, mahal din kita
Pero walang aminan, paninindigan
Gusto kita pero, walang aminan
Walang aminan, walang magsasawa
Madalas wala, minsan nariyan
Walang seryosohan, walang iiyak
Walang balak magkatuluyan
Tipong "Parinig naman ng boses mo, miss na rin kita"
May atraso ba sa 'yo? Nagpapa-miss ka ba?
Pero walang aminan, paninindigan
Gusto kita, pero walang aminan
'Pag may nagtanong, aba, aywan ko
Basta sagot ko, "Wala 'kong gusto sa 'yo"
Pero walang aminan, paninindigan
Gusto kita, pero walang aminan