Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Awit Ng Pagsamba
Musikatha
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Napakabuti Mo, Panginoon
Sa kabila ng aming mga pagkukulang at pagkakasala
Inilapit mo pa rin kami sa puso Mo
Dahil sa yaman ng 'Yong habag at biyaya
Kay buti Mo, Panginoon
Dakila Ka sa buhay Ko
Sa labis na pag-ibig Mo
Ay naligtas ako
Hindi man karapat-dapat
Ay Iyong pinatawad
At binigyan Mo pa ng tinig
Tinuruan Mong umawit
Kaya ngayon ang puso't isip ko'y
Iisang sinasambit
Ang pagpupuri't pasasalamat
Ay sa 'Yo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba'y
Sa 'Yo lamang iaalay
Ang pagpupuri't pasasalamat
Ay sa 'Yo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba'y
Sa 'Yo lamang iaalay, Hesus
Tanggapin mo ang aming papuri sa 'Yo, Panginoon
Kay buti Mo Panginoon
Dakila Ka sa buhay Ko
Sa labis na pag-ibig Mo
Ay naligtas ako
Hindi man karapat-dapat
Ay Iyong pinatawad
At binigyan Mo pa ng tinig
Tinuruan Mong umawit
Kaya ngayon ang puso't isip ko'y
Iisang sinasambit
(Ang pagpupuri't pasasalamat ay para lang sa 'Yo, Panginoon)
Ang pagpupuri't pasasalamat (ay para lang sa 'Yo)
Ay sa 'Yo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba'y
Sa 'Yo lamang iaalay
Ang pagpupuri't pasasalamat (ay para lang sa 'Yo)
Ay sa 'Yo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba'y
Sa 'Yo lamang iaalay
(Ito ang aming walang-haggang awit sa Yo't)
(Walang-haggang kabutihan, Panginoon)
Ang pagpupuri't pasasalamat
Ay sa 'Yo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba'y
Sa 'Yo lamang iaalay
Ang pagpupuri't pasasalamat (ay para lang sa 'Yo)
Ay sa 'Yo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba'y
Sa 'Yo lamang iaalay, Hesus
Oh, Panginoon, tanggapin mo
Ang aming papuri sa 'Yo
Ika'y aming itataas
Sa 'Yo ang katapatan
Sa 'Yo ang kabutihan
Sa 'Yo ang pagmamahal
Purihin Ka, purihin Ka, Hesus
Kami'y aawit sa 'Yo
Kami ay maghahayag ng Iyong kabutihan
Oh, Hesus, dakila Ka
Sama-samang umawit sa Panginoon
Sama-sama natin Siyang itanghal
Sama-sama natin Siyang pasalamatan
'Pagkat dakila Siya
Dakila Siya
Dakila Siya