Sabihin Mo Na (From "My Girl")
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Gusto kong magpaliwanag sa 'yo
Ngunit 'di kinakausap
'Di inaasahang diringgin mo, oh
Nakatingala sa ulap
Alam kong nasaktan na naman kita
Ngunit 'di ko naman sinasadya
Hinding-hindi na mauulit, sinta
Sana'y maniwala ka
Sabihin mo na kung ano'ng gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo
Sabihin mo na kung papa'no mo mapapatawad
Ilang araw mo nang 'di pinapansin
Ilang araw pa'ng lilipas?
Nakatanga sa harapan ng salamin
Naghihintay ng bawat bukas
Lahat naman tayo'y nagkakamali
Sino'ng 'di nagsasala?
Ngunit kung pa'no babawi sa pagkakamali
'Yan ang mahalaga
Sabihin mo na kung ano'ng gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo
Sabihin mo na kung papa'no mo mapapatawad
Patawarin mo sana, sinta
'Di ko sinasadya
Sabihin mo na kung ano'ng gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo
Sabihin mo na kung papa'no mo mapapatawad
Sabihin mo na, sinta
Kung papa'no mo mapapatawad
Oh, oh, whoa