Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Asa (From "Sugo")
South Border
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Narinig ko ang 'yong tinig
Kay ganda't kaibig-ibig
Tinig ng 'yong kalooban
Na tila 'di mababahiran
Narinig ko ang 'yong tinig
Ako ba'y 'yong tinatawag?
Bakit ba ika'y lumuluha?
Ikaw ba'y may dinaramdam?
Tahan na't ako'y narito na
Ika'y mamahalin
Pipiliting ika'y pasiyahin
'Di papayag na ika'y saktan
Ng kahit sino man
Ako'y asahan mo, hirang
Sa lahat, ika'y isang yaman
At nais nilang maangkin ka
Ang mga kilos mo't galaw
Tinatanaw nila sa araw-araw
'Di naman nakapagtataka
Ako ma'y nabihag mo na
Nguni't bakit ka lumuluha?
Ikaw ba'y may dinaramdam?
Tahan na't ako'y narito na
Ika'y mamahalin
Pipiliting ika'y pasiyahin
'Di papayag na ika'y saktan
Ng kahit minsan, hirang
At sa bawa't araw na nagdaraa'y nangangamba
'Di ko kaya na ika'y maaagaw ng iba
Sa mundo kong kay dilim, ika'y aking ilaw
Kaya asahan mo, ika'y mamahalin
Ako'y asahan mo
Ako'y asahan mo