Skip to content

Palagi

J-King, PXT, Lil-P
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Gustong-gusto kita noon pa Kaso lang pag lumalapit na nauuna yung kaba Pero subukan kang agawin ay manunuwag ako Matapang ako sa away pero ba't duwag sayo Makita ka lang kuntento na yung araw ko Kumpleto pa ngiti ko hanggang tenga na Kasi sa taglay mong ganda Bakit pati hari napa-ibig kaso halata Sayo laging nahihiya na baka ako'y mapahiya 'Di gumagana kapal ng mukha Kaya ang umamin sayo 'di magawa Sadyang ang tama sayo malala Kaya 'di magawang makapag-salita Pero 'pag 'di ka nakatingin Saka sayo tumitingin Matagal ko na 'tong inililihim At ang umamin ay 'di kayang gawin Buti pa panginoon alam niya ang lahat ng 'yon Kaya sana'y tumugon maging tayo kahit 'di ngayon Iipon muna ako ng lakas ng loob para masabi ko sa iyo Pero ngayon makukuntento muna kung ano ang merong ikaw at ako Palagi kitang tinitignan, palagi kitang pinagmamasdan Kahit kailan, kung nasan ka man, palagi kitang sinusundan Palagi kitang tinitignan, palagi kitang pinagmamasdan Kahit kailan, kung nasan ka man, palagi kitang sinusundan Palagi-laging nasa isip hanggang sa panaginip Pag dilat sa umaga sa bintana nakasilip Naghihintay na baka bigla kang dumaan Masilayan ka lang ang lahat gumagaan Kaso wala akong lakas ng loob para masabi ang nadarama Nahihiyang aminin kaya nag-iisang nag-dadrama Binubulong sa hangin ang mga gusto kong sabihin Na sana'y mapansin mo ang lihim kong pagtingin Palagi kang mag-ingat kahit 'san makarating Laging hawak ang litrato mo sa tuwing nalalasing Sa gabing madilim na nangagarap ng gising Na sana'y isang araw ay bigla kang dumating Sa mundong napakadaya mahirap sumugal Na kung 'di ka tataya ay hindi ka tatagal Kahit 'di ko hilingin bahala na ang tadhana Na tayo'y paglapitin kung tunay nga bang pinagpala Palagi kitang tinitignan, palagi kitang pinagmamasdan Kahit kailan, kung nasan ka man, palagi kitang sinusundan Palagi kitang tinitignan, palagi kitang pinagmamasdan Kahit kailan, kung nasan ka man, palagi kitang sinusundan Gusto ko na, na masubukan kahit 'di sigurado Kaso mga sasabihin aking 'di. pa kabisado Na sayo'y may pagtingin at tagal ko ng tinatago Sasagutin mo ba ko kung tanong ay pwede maging tayo Kung alam mo lang kung ga'no ka pagmasdan Lalo na't pag dumaraan ka sa aking harapan Di ko naman kasalana ganitong mararamdaman Sao nga lang kailan nga ba pagbibigyan Palagi kitang tinitignan, palagi kitang pinagmamasdan Kahit kailan, kung nasan ka man, palagi kitang sinusundan Palagi kitang tinitignan, palagi kitang pinagmamasdan Kahit kailan, kung nasan ka man, palagi kitang sinusundan