Skip to content

Takipsilim

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Sa isang pikit nagbago ang lahat Naglaho ang lahat sa paligid Lahat ng sakit na naramdaman Agad napalitan ng pag-ibig 'Di inakalang ika'y mahahanap Ng pusong nawawala sa mundong ibabaw Ika'y hahanapin kahit madilim Ikaw ang hiling na makasama sa takipsilim Sa bawat bituin at lahat ng buwan Kanilang naririnig ang 'yong pangalan At kada pintig ng puso ay ikaw Ang nilalaman at dahilan 'Di inakalang ika'y mahahanap Ng pusong nawawala sa mundong ibabaw Ika'y hahanapin kahit madilim Ikaw ang hiling na makasama sa takipsilim Dalawang diwa, isang kalawakan 'Di makakaila ito ay kapalaran Isa, dalawa, tatlong bilyon ang makilala Tanging kamay mo lang ang aking hahawakan 'Di inakalang ika'y mahahanap Ng pusong nawawala sa mundong ibabaw Ika'y hahanapin kahit madilim Ikaw ang hiling na makasama sa takipsilim Aking tanging hiling Ang makasama ka sa takipsilim 'Di mailihim ang pagtingin Lahat ng nasa isip aking sasabihin 'Di inakalang ika'y mahahanap Ng pusong nawawala sa mundong ibabaw Ika'y hahanapin kahit madilim Ikaw ang hiling na makasama sa takipsilim Ikaw ang hiling na makasama sa takipsilim