Puso sa Puso
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Noong una kitang nakita, mundo ko'y nagkakulay
Sa tuwing ika'y nandito na, nakangiti ng todo
Ikaw ang aking panghabang-buhay, sa hirap at ginhawa
Sa tuwing ika'y nandito, oras ko'y bumabagal
At dahan-dahan nang nagbabago ang takbo ng tadhana
Oh, kay bilis ng oras na ika'y lumisan nang tuluyan
Puso sa puso, pwede bang balikan
Ang dating araw na tayo'y araw-araw nag-uusap?
Puso sa puso, kay sarap balikan
Noong una mong sinabi na ako ang iyong sandalan
Gagawin ko ang lahat, upang hindi ka na lumuha ng todo
Ako ang magsisilbing liwanag sa madilim na kalawakan
Sa tuwing ika'y nandito, buhay ko'y sumisigla
At dahan-dahan nang nagbabago ang takbo ng tadhana
Oh, kay bilis ng oras na ika'y lumisan nang tuluyan
Puso sa puso, pwede bang balikan
Ang dating araw na tayo'y araw-araw nag-uusap?
Puso sa puso, kay sarap balikan
At dahan-dahan nang nagbabago ang takbo ng tadhana
At ngayong wala ka na, ang alaalang nagawa
Ay mananatili sa aking puso
Oh, kay bilis ng oras na ika'y lumisan nang tuluyan
Puso sa puso, pwede bang balikan
Ang dating araw na tayo'y araw-araw nag-uusap?
Puso sa puso, kay sarap balikan