Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Sa Tabi Mo
Camino
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ohh
Hindi inasahan na sa 'kin ay mahulog ka
Wala rin sa plano na muling umibig pa
Dahil sa naranasan ko sa nakaraan
Parang ayaw ko nang sumubok pa
Pero heto tayong dalawa
Pinili ang isa't-isa
Binago mo ang buhay ko
Pinatapang mo ang puso ko
Kung sakaling masubok man
Ang ating pagmamahalan
Ito'ng aking pangako
'Di kailanman lalayo
Kahit 'di masaya lagi ang nararamdaman ng puso
'Di kailangan ng ano mang espasyo
Kahit sa tabi mo pwedeng lumago tayo
Ohh
Kahit ilang beses pa tayong subukin ng
Panahon at sitwasyon, ipaglalaban ka
Kapag nanghihina, ako ang iyong sandalan
Hindi mapapagod na maging iyong kalakasan
'Di kailanman lalayo
Kahit 'di masaya lagi ang nararamdaman ng puso
'Di kailangan ng ano mang espasyo
Kahit sa tabi mo pwedeng lumago tayo
Kung ang puso man ay mapagod
Nangangamba man ang isip mo
Panghawakan ang pag-ibig
Sa akin ay kumapit
Ako'y iyong-iyo
Sabay nating tahakin ang mundo
Ohh
Kaya heto tayong dalawa
Pinili ang isa't-isa
Binago mo ang buhay ko
Pinatapang mo ang puso ko
Kung sakaling masubok man
Ang ating pagmamahalan
Ito'ng aking pangako
'Di kailanman lalayo
('Di kailanman lalayo)
Kahit 'di masaya lagi ang nararamdaman ng puso
(...man ng puso)
'Di kailangan ng ano mang espasyo
(Sa tabi mo)
Kahit sa tabi mo pwedeng lumago tayo
(Ooohhh)
Kung ang puso man ay mapagod
Nangangamba man ang isip, isip mo
Panghawakan ang pag-ibig
Sa akin ay kumapit
Ako'y iyong-iyo
Sabay nating tahakin ang mundo
Ohh