Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Hindi Pa Tapos Ang Laban
Ejay Yatco
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Do'n sa Biak-na-Bato, pinatigil ng putukan
Sinuko ni Aguinaldo ang apoy ng himagsikan
Sa Hong Kong, nagpa-destierro lahat ng mga heneral
Kapalit ang libong piso, huwad na kapayapaan
(Ngunit kahit) kahit na sumuko
(Kahit) sila'y nag-alisan
(Kahit) do'n ay nagtago
May nagpatuloy lumaban (lumaban)
Hangga't mayro'n pang hininga
Hangga't may ibubuga
Hindi pa tapos ang laban
Hindi pa tapos ang laban
Sila Paciano't Malvar ay hindi agad sumuko
Patuloy silang lumaban hanggang maubos ang gulo
Hangga't mayro'n pang hininga
Hangga't may ibubuga
Hindi pa tapos ang laban
Hindi pa tapos ang laban
Hukbo ni Pingkian, patuloy na nagliliyab
Anhin man ang kalayaan, sa talas ng aming tako
Hangga't mayroon pang hininga
Hangga't may ibubuga
Hindi pa tapos ang laban
Hindi pa tapos ang laban
Heneral, humawak ka sa tores
Heneral (Isio, tumakas na kayo)
Hindi kita maaaring iwan, Heneral
(Ililigaw ko sila) ngunit, Heneral
(Wala na tayong oras, ilayo mo ang pulutong)
(Magkita tayo sa Santa Cruz, ako na'ng bahala sa kanila)
Heneral (sige na, Isio)
Kahit tayo ay malagas, may tapang pa ang iilan
'Di hahayaang magwakas pag-asam sa kalayaan
Hangga't mayro'n pang hininga
Hangga't may ibubuga
Hindi pa tapos ang laban
Hindi pa tapos ang laban