Skip to content

Di Sinasadya

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Huling-huli na kita, 'wag mo nang itanggi pa mga titig mo'y iba, pati kinang ng 'yong mata sino ba namang "BABAE" ang hindi matutukso? sinisiguro ko sa'yo ang puso mo lumulukso. Antipatiko! paano mo nasabi ang mga yan? 'di ang tipo mo ang tipo ko, ang tikas mo naman? kilabutan ka naman, baka tamaan ng kidlat" mag pa-check up ka agad, daig mo pa'ng nilalagnat. What? may lagnat agad, 'di ba pwedeng sinat lang? mga sulyap mo sa akin, wag sabihing sipat lang? Ang kapal-kapal naman, sobra na'ng mukha na yan? Yung kapal nito, siguro yun ang 'yong nagustuhan? 'wag mo nga 'kong husgahan, mali ang 'yong napupuna. Kung wala kang gusto sa'kin bakit ka namumula? Di ko naman sinasadya natitigan ka sa iyong mga mata at iparamdam sa'yo ang nilalaman ng... puso't isipan ko kahit pa ito'y balewala lang sa'yo Di ko naman sinasadya natitigan ka sa iyong mga mata at iparamdam sa'yo ang nilalaman ng... puso't isipan ko kahit pa ito'y balewala lang sa'yo Hangga't maaga pa aminin mo na ang 'yong nadarama malaymo pareho kayo, diba't ang saya saya? pa'no kung magbago s'ya, at maglaho ng bigla? ang pag-ibig na pangarap... mauwi pa sa wala. oO nga mahal ko s'ya kaso ako'y nag aalangan na baka lumaki ang ulo nya't ako'y paglaruan. masasaktan, aasa lang at hindi papakasalan at pagkatapos na sakan... ako ay tatakasan lang. 'wag mong iisipin yan, 'wag masyado mag felling alam mo na ba magiging ending, ba't ka ba napa-praning. Alam ko naman na alam n'ya narin ang hindi ko lang malaman ay kung bakit naging presko sya't lalong naging mayabang kulang nalang ipangalandakan nya... na sya ang gusto ko! Ano ba'ng gusto mo, isekreto lang ang love story n'yo? kung ako sa'yo ikaw na mismo ang mag apura 'wag mo nang hayaan pang makahanap s'ya ng iba. Paano ko ba, ipapadama, sa isang salita ng hindi halata? gusto kong sumigaw gusto kong humiyaw gusto kong ipakita na ika'y mahalaga... Simple lang mamasyal tayo at kumain sa labas libre mo 'ko at aminin mo pag-ibig mong wagas Pwede rin yakapin mo 'ko para okay ang entrada Pwede rin i-text nalang kung talagang nahihiya ka "Eh! ayo'ko" bakit, wala kang load, wala kang time? "Basta ayo'ko lang" ah...? gan'on ayaw mo lang, okay fine! Teka muna 'wag kang umalis at sasabihin ko na nga. Sasabihin mo lang namahal mo ako bakit 'di mo pa magawa? oO nga mahal na kita! (weh...?) 'di ka ba natutuwa Napilitan lang, pagkat alam ko naman 'di na 'ko makakawala So, will you merry me? Teka lang, teka lang Ano? Pag-isipan mo muna 'wag ka nga, choosy ka pa? eh! di 'wag nalang kaya! umh! Di ko naman sinasadya natitigan ka sa iyong mga mata at iparamdam sa'yo ang nilalaman ng... puso't isipan ko kahit pa ito'y balewala lang sa'yo Di ko naman sinasadya natitigan ka sa iyong mga mata at ipaalam sa'yo ang iparamdam ng... puso't isipan ko kahit pa ito'y balewala lang sa'yo woah... woah... woah... Yeah... yeah... yeah...