Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Walang Ibang Sadya
Joey Ayala At Ang Bagong Lumad
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Aanhin ang mata kung walang mapagmasdang
Sayaw sa indayog ng talahiban
Aanhin ang tenga kung hindi mapakinggan
Ang awit ng hangin sa punong kahoy
Aanhin ang labi kung 'di madampian
Ng ulan o 'di kaya'y mahagkan ng ilog
Pagmasdan, pakinggan, lasapin ang mundo
Walang ibang sadya ang ayos nito
Bulaklak sa paanan, naghihintay ng pansin
Ano ba ang buhay n'ya kung 'di mo langhapin
Ang bato sa batis, kinis n'ya'y masasayang
Kung 'di mo mahaplos ang pisngi n'yang alay
Aanhin pa ang balat kung 'di maramdaman
Ang lambing ng araw at ang sariwang simoy
Langhapin, haplusin, pansinin ang mundo
Walang ibang sadya ang ayos nito
Gano'n din ang tao nang s'ya'y mahalin
Ang tanging pangarap, tanging katuparan