Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Gaya Ng Dati
Gary Valenciano
Popularity · High
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Dati-rati, laman ng puso mo ay ang pangalan ko
Lagi ako sa isip mo
Dati-rati, inaawitan pa, labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning
Nguni't ngayon, nagbago ka
Nasa'n na ang init ng pagsinta?
Pangako mo'y hindi magwawakas
'Di ba't noon, samyo ng bulaklak
At ihip ng hangin ay kapansin-pansin?
'Di ba't noon, takbo ng oras ay 'di mo napapansin
Laging naglalambing
Nguni't ngayon, naglaho na
Sigla't tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal ko ba'y kailangan pa?
Dati-rati, mga pangako ko'y kandungan mo't lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
'Di ba't noon sa kaibigan mo'y ako'ng bukambibig?
Bakit ngayo'y ano'ng lamig?
'Di mo alam, ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay
Naghihintay, oh
Ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay
'Di mo alam, ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay
Panginoon, ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin Mo
Mula ngayon, ang buhay kong ito'y iaalay sa Iyo
Gamitin Mo ako gaya ng dati
Gaya ng dati
Gaya ng dati