Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
sabi nya
Reneé Dominique
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Sabi niya,"'Wag kang mag-alala
Walang papantay sa 'yo"
Sabi niya, "Nandito lang ako
Hinding-hindi mawawalay sa 'yo"
Oh, kay sarap isipin na laging ganito
Walang ibang iniintindi kundi tayo
Oh, kay sarap isipin na walang magbabago
Pero may isang bagay na 'di klaro
Sabi niya, kapit lang daw
Pero bakit siya bumitaw?
Kay bilis nga naman ng panahon
Tila kahapon pa, siya pa ay nandito
Sabi niya, "Mangako ka lang
At mangangako din ako na walang magbabago"
Oh, kay sarap isipin na laging ganito
Walang ibang iniintindi kundi tayo
Ngayong lahat ng 'to ay wala nang halaga
Isa na lang matamis na alaala
Sabi niya, kapit lang daw
Pero bakit siya bumitaw?
Wala na ba talaga?
Nakahanap ba ng saya sa iba?
Pa'no mo nakayang mang-iwan nang basta-basta?
Sabi niya, kapit lang daw
Pero bakit siya bumitaw?
Nakakapit pa, 'di pa kayang bumitaw
Sa pangarap na akala ko'y malinaw