Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Ikaw ang Paghilom
DYCI Music Ministry
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Walang katapusan, 'di matigil-tigil
Ang pangangamba, ang sakit
'Di ko mapigilang lumuhang tuluyan
'Di na yata kaya, pagod na
Ngunit sa puso'y laging may tinig
"Pumanatag ka"
Maghihilom din, mapapawi rin
'Di man ngayon, sa Kanyang panahon
Ngingiti muli, magsisimula muli
Ikaw ang paghilom sa puso kong naghihintay
Marami mang tanong at takot sa isip
Hindi titigil, nananalig
Pagbango't paghilom, batid kong darating
Walang alinlangan, magaganap
Hawak sa puso, tangi kong hiling
"Kasama Kang lagi"
Maghihilom din, mapapawi rin
'Di man ngayon, sa Kanyang panahon
Ngingiti muli, magsisimula muli
Ikaw ang paghilom sa puso kong naghihintay
Maghihilom din, mapapawi rin
'Di man ngayon, sa Kanyang panahon
Ngingiti muli, magsisimula muli
Ikaw ang paghilom sa puso kong naghihintay
Ikaw ang paghilom, Hesus