Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Lapit
Ebe Dancel
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Lapit, ligtas ka na sa aking piling
Malayo sa lumbay
Kaya't buksan na ang pinto ng 'yong puso
'Di na, 'di mo na kailangang mag-isa
Tapos na ang gulo
Kaya't isara na ang bintana ng duda
Wala nang ibang maipapangako
Kundi habang ako ay nandito
'Di magwawakas maligaya mong bukas
Porselana mong puso, iingatan ko
Lapit, ligtas ka na sa aking piling
May karamay ka na sa hirap at ginhawa
Sa bawat Luha't tuwa
Halika, 'wag mabahala kung ika'y maligaw
Hayaan mo akong maging ilaw
Kandilang gabay mo sa dilim
Wala nang ibang maipapangako
Kundi habang ako ay nandito
'Di magwawakas maligaya mong bukas
Porselana mong puso, iingatan ko