Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Monumento
Kyla & Kris Lawrence
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ikaw sumisindi sa aking napupunding pangarap
Lalong tumitindi ang apoy ng pagsisikap
Ako ang pinipinta, larawang sinisintang hangarin
'Di mo iniinda ang pahirap sa damdamin
Hulog ka ba ng langit?
Tila anghel ka na walang kasingbait
Palaisipan kung bakit, datapuwat, subalit
Mahiwaga nga ang pag-ibig (oh, whoa, whoa)
Konting bato, konting semento, 'di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa 'yo
At parang santo sa kumbento, bidang star sa kuwento
Idol ka, taas kamay ako sa 'yo
Ikaw ang dakila, (ikaw ang) 100 porsyento
Hayaan mo't (hayaan mo) ipagtatayo kita ('pagtatayo kita)
Ng monumento, mento, mento, mento
Mo-monumento, mento, mento, mento
Sa dami ko nang sablay at dami nang pasaway na banat
Dapat sa akin ay sa presinto na lang magpaliwanag
Buti na lang wagas, kahit na ang dalas magkulang
'Di ka nababanas, pangiti-ngiti ka lamang
Parang nananaginip
Ayaw gumising na sa pagkakaidlip
Sobrang napapaisip, dedma sa badtrip
Ibang klase nga ang pag-ibig
Konting bato, konting semento, 'di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa 'yo
At parang santo sa kumbento, bidang star sa kuwento
Idol ka, taas kamay ako sa 'yo
Ikaw ang dakila, (ikaw ang) 100 porsyento
Hayaan mo't (hayaan mo) ipagtatayo kita ('pagtatayo kita) ng monumento
Sa bawat sulok, kanto at rotonda
Ibabantayog, walang kokontra
Konting bato, konting semento, 'di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa 'yo
At parang santo sa kumbento, bidang star sa kuwento
Idol ka, taas kamay ako sa 'yo
Ikaw ang dakila, (ikaw ang) 100 porsyento
Hayaan mo't (hayaan mo) ipagtatayo kita ('pagtatayo kita)
Sa Edsa, Caloocan o Luneta
Kahit saan ipagtatayo kita
Ng monumento, mento, mento, mento
Mo-monumento, mento, mento, mento