YAHWEH TANGGULAN
Dana Algabre
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Sa 'king pangangailangan
Laging naroroon
Sa bisig mo'y panatag na
Wala nang alinlangan
Aking panginoon
Ba't pa ako mangangamba?
Sa pagtulog at paggising
Tanod kang nagbabantay
S'an mang sulok ay kapiling
Mapaglingap mong gabay
Yahweh, tanggulan ko'y ikaw
O jehovah raah
Yahweh, kanlungan ko'y ikaw
O jehovah shammah
At mananahan sa 'yong kublihan
Mananatili sa 'yo
At mananangan sa 'yong sandigan
Mananambahan sa 'yong tanggulan
Ang 'yong kadakilaan
Wala nang papantay
Muog at tagapagligtas
S'yang makapangyarihan
Sa'kin nagbabantay
Pangalan mo'y itataas
O hosanna, alleluia
Labis na namamangha
Sa iyo lamang, deo gloria
Ang papuri't pagsamba
Yahweh, tanggulan ko'y ikaw
O jehovah raah
Yahweh, kanlungan ko'y ikaw
O jehovah shammah
At mananahan sa 'yong kublihan
Mananatili sa 'yo
At mananangan sa 'yong sandigan
Mananambahan sa 'yong tanggulan
Purihin ka o Yahweh tanggulan
Kagalang-galang na pananggalang
Purihin ka o Yahweh tanggulan
Kagalang-galang na pananggalang
Yahweh, tanggulan ko'y ikaw
O jehovah raah
Yahweh, kanlungan ko'y ikaw
O jehovah shammah
At mananahan sa 'yong kublihan
Mananatili sa 'yo
At mananangan sa 'yong sandigan
Mananambahan sa 'yong tanggulan
Purihin ka o yahweh tanggulan...
Purihin ka o yahweh tanggulan...