Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Maghihintay
Leila
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Bakit pinipilit pa ang sarili sa kanya
Kung ayaw niya, 'wag mo nang isingit pa
Sadyang mapaglaro ang tadhana
Kung kailan nagustuhan saka ka lalayuan
May mali bang nagawa, ba't bigla kang nawala
Umaasang babalik ka pa rin, sinta
Kay tagal na nating magkakilala
Ngayong wala ka na, pilit pa ring kinakamusta ka
Ang hirap kapag nasanay na saka ko lang makikita
Ang iyong halaga
Wala na yata talagang pag-asa sa kanya
Kung maghihintay pa, lalo lang magdurusa
Kay tagal na nating magkakilala
Ngayong wala ka na, pilit pa ring kinakamusta ka
Ang hirap kapag nasanay na saka ko lang makikita
Ang iyong halaga
Tuluyan mang maglaho ang nararamdaman
Sisikaping maghintay kahit pa sa kawalan
Mapagod man ang puso, ikaw pa rin ang sigaw
Ngunit bakit, subalit, kung pwede lang, ako nalang ulit
Kay bilis nu'ng tayo'y magkakilala
Ngayong wala ka na, bakit hinahanap pa rin kita
Mahirap, pero kailangan nang pakawalan ang nakaraan
Wala nang nararamdaman
('Di na ako aasa, 'di ko na rin ipipilit pa, wala nang nararamdaman)
Wakas ko'y 'di na ikaw