Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Gulong
Mikko Paelo
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Bumiyahe sa malayo upang hanapin ka
Ako'y bigo kaya bumalik kung saan nagmula
Gumulong na sa lupa, nandito lang pala
Ang hinahanap na pagsinta
Mula sa kadilimang puno ng kabiguan
Nasilayan na kita
'Di ko nakikita ang pagsinta
Paikot-ikot pa, ikaw lang pala
Dumayo pa sa buwan para lang mahanap ka
Pag-ibig na wagas, nasa tabi ko lang pala
Sa pagbalik naramdaman ko, ako'y mahalaga
Sa pag-ikot ng mundong ito, nakabalik sa piling mo
Gumulong na sa lupa, nandito lang pala
Ang hinahanap na pagsinta
'Di ko napagtanto sa unang pagtagpo
Mahal pala kita
'Di ko nakikita ang pagsinta
Paikot-ikot pa, ikaw lang pala
Dumayo pa sa buwan para lang mahanap ka
Pag-ibig na wagas, nasa tabi ko lang pala
Tadhana ang naghatid sa akin
Papuntang langit na mararanasan natin
'Di ko nakikita ang pagsinta
Paikot-ikot pa, ikaw lang pala
Dumayo pa sa buwan para lang mahanap ka
Pag-ibig na wagas, nasa tabi ko lang pala
Pag-ibig kong wagas
Pag-ibig kong wagas
Pag-ibig kong wagas
Pag-ibig kong wagas
Nagmahal na ng iba