Skip to content

Hindi Bibitaw

Second Type
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Kumakatok sa iyong puso Pagbubuksan mo ba 'ko ng pinto Patungo sa iyong mundo Huwag kang mangangamba (nangangamba) Walang dapat ipag-alala Ika'y magtiwala Huwag kang matakot na Kumapit dito sa aking kamay Sasamahan ka sa paglalakbay Kahit na may mga matang nakabantay Sa ating dalawa Bawat sulok ng mundo ay ating lilibutin Hinding-hindi magsasawang sa'yo ay tumingin Aking giliw, kumapit ka sa 'kin nang mahigpit Huwag kang bibitaw Naririnig ko ang 'yong pagkatok Pagbubuksan ba kita ng pinto Patungo dito sa aking mundo Mayro'ng pangangamba (huwag mangamba) Baka tayo'y mahusgahan Ngunit susubukan, 'di matatakot na Kumapit diyan sa iyong kamay Haharapin itong paglalakbay Kahit na may mga matang nakabantay Sa ating dalawa Hindi maipaliwanag ang nararamdaman Basta ikaw lamang ang nais kong mahawakan Aking giliw, kumakapit ako nang mahigpit Hindi na bibitaw Oohh Oohh Oohh Oohh Oohh Oohh Kumapit ka lang Hindi hahayaang tayo'y ipaglayo Dumaan man ang mga unos at bagyo Hahagkan ka dahil nandito Ako para sa'yo Ikaw ang dahilan Kung bakit nalibot 'tong mundo Napawi ang lungkot at gulong Dala ng mga matang nakabantay Sa ating dalawa Hindi maipaliwanag ang nararamdaman Basta't ikaw lamang ang nais kong mahawakan Aking giliw, kumapit ka lamang ng mahigpit Sa aking kamay Sa aking kamay Oh kumapit ka lang