Skip to content

Di Ka Naman Dating Ganyan

JeBeats
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Kay bilis ng panahon oras na nagdaan Lahat ng magandang pinagsamahan ay tinalikdan Maibabalik pa ba ng hangin ang dating ikaw Pag ako'y kausap mo palagi nalang napasigaw Hindi ka naman kasi dating ganyan na hibang na hibang Isipan mo ay lutang Ako pang masama kapag walang ginawang tama Alam mo namang ikaw ang bukod tanging nag-iisa Pero sana naman unawain mo damdamin ko Kung nagkamali ako aaminin sa iyo Ano bang dahilan bakit biglang nag-iba Sakin ay asar na parang di ka na kilala Pano naman kasi sa tingin mo lagi akong mali Kelan pa ba ang huli na tayong dalawa'y nagkasama Laging masaya ngayo'y kay laya mo na Hindi ka na mahinga pumapalag na't laki ng iyong pinagiba Wala na ba akong halaga sa iyo Ano bang dahilan mo? bat ka nagbago? Di mo na ba ako minamahal Ano bang dahilan? Di ka naman dating ganyan Nakakagulat ka naman napapaisip ako kung kailan Nagsimula ang mga pangyayari binabalikan ko Ibang-iba ka na (ibang-iba ka na) Di ka naman dating ganyan Di ba dati sabi mo akin ka lang Pareho tayong nangakong may katapatan At sabay nagtanim ng mga ngiti sa isipan at damdamin Kaya lubos akong nasakatan na sakin bigla nagbago ka Akala ko masaya ka na sa piling ko Akala ko sakin ikaw na ay kuntento Hindi pa pala, bakit naaakit pa sa iba? Nagsawa na ba? Pwede ba paliwanag mo sa akin Para alam ko mga dahilan Dahil hindi ka naman dating ganyan Wala na ba akong halaga sa iyo Ano bang dahilan mo? bat ka nagbago? Di mo na ba ako minamahal Ano bang dahilan? Di ka naman dating ganyan Ibang-iba ka na ngayon di katulad ng dati Na laging nandyaan ka naman para sa akin at nagmamahal Napakagulo ng panahon Bakit yung ikaw pa ang inagaw ng pagkakataon Masakit na tanggapin Na binale wala mo lang ang lahat lahat sa atin Marahil nga ay ako ay ay nagkulang din naman sayo Pero ginawa ko naman lahat minahal kita ng tapat Bakit hindi pa ba sapat, sa piling ko ngayon ikaw ay lumayo Di ka naman dating ganyan Noon ay ayaw mo akong nasasaktan Paliwanag ko ay laging pinakikingan Pero ngayon tinalikuran mo na ang mga pangako Wala na ba akong halaga sa iyo Ano bang dahilan mo? bat ka nagbago? Di mo na ba ako minamahal Ano bang dahilan? Di ka naman dating ganyan Di ka naman dating ganyan, nung una nating sinimulan Ang mga pangarap salo salo, damayan at mga biruan Pagkatapos ay bigla ka na lang nawalan ng gana Di ka na nagpaparamdam di ka na rin sakin sumasama Nakakapanibago ano ba ang dahilan mo Para baliwalain ang mga alaala at ang mga pangako Di ka kita malapitan di na kita maintidihan Ano ba ang kasalanan ko bakit ka nagkakaganyan Hindi mo na ba nadidinig di mo na napapansin na manhid ang dibdib Na parang ako pa ang syang nagkamali Tapos galit pa ang syang iyong ibinalik Kapalit ng pangunawa kong inihatid KAPATID handa ako makinig sa nais mong ipabatid Wala na ba akong halaga sa iyo Ano bang dahilan mo? bat ka nagbago? Di mo na ba ako minamahal Ano bang dahilan? Di ka naman dating ganyan