Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Di Na Maggigisa
Michael V.
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Kapag ako'y maggigisa
Mayro'ng kumukulo sa aking kusina
Alam ko, presyo'y nagmamahalan
Kailangan kong magluto, kailangan ko ng bawang
Aray, napaso ang aking kamay
Maggigisa pa 'ko nitong gulay
Mahal, imported na mantika
Dito na lang ako sa sebong tinunaw mo
Sibuyas ay 48
Kulang ang pera ko, sana'y patawarin mo
Aray, napaso ang aking kamay
Maggigisa pa 'ko nitong gulay
Durugin ang bawang, lagyan ng sibuyas
Hulog sa mantika, apoy mo sa kalan, pakilakas
Pa'no kaya 'ko magluluto?
May dapat pang bilhin, ang dami kong gagawin
Para na 'kong mamatay
Ako'y amoy-bumbay, mawawalan ng malay
Aray, napaso ang aking kamay
Maggigisa pa 'ko nitong gulay
Mag-iigib pa ng tubig, hindi pa 'ko nagsasaing
At ang pakiramdam ko'y masama, 'wag na sana
('Di na maggigisa)
Ako'y may fever na
'Di na maggigisa (Donya!)
'Di na maggigisa