Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Di Na Muling Mag‐iisa
Basil Valdez
,
Pat Castillo
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Noon, akala ko'y sagabal lang ang pagsinta
Sarili ang mundo't walang itinatanging iba
Ligaya ko'y nadarama sa 'king pag-iisa
Hanggang minsan sa buhay ko ay nasilayan ka
Tibok ng puso ko'y tuloy-tuloy sa pagpintig
Sumisigaw, sumasamong ako'y umiibig
Damdamin pagliyag na 'di ko nais marinig
Unti-unting bumubukal sa tahimik kong daigdig
Ang alay mong pagmamahal ay kay sarap damhin
Ang diwa ko'y parang bituin, naglalakbay man din
Gayon pala'ng nalalasap kung may naglalambing
Ang araw at gabi'y parati nang nagniningning
Kailan pa ma'y hindi na iibigin pang muli
Ang mag-isa kahit paulit-ulit masawi
Sa 'yong piling ang puso ko'y laging nakangiti
Pag-ibig mo'y ligaya ko sa bawat sandali
Ang alay mong pagmamahal ay kay sarap damhin
Ang diwa ko'y parang bituin, naglalakbay man din
Gayon pala'ng nalalasap kung may naglalambing
Ang araw at gabi'y parati nang nagniningning
Habang buhay sa puso ko'y tanging ikaw sinta
Bawat saglit at sandali sa tuwina'y kay ganda
Sa hirap at ginhawa man, laging magsasama
Ngayon at kailanma'y 'di na muling mag-iisa